chapter 10(my kidnapper is ???)
Lyn Alona's POV
kahit na alam kong umaga na...Hindi ko malaman kung bakit di ko magawang idilat ang mata ko. Dahil ba natatakot ako na panaginip lang ang lahat at magising ako na wala na si Kai sa tabi ko?
Dahil sa naramdaman kong paghimas ng kamay sa mukha ko, balak ko na sana imulat ang mata ko pero di ko natuloy dahil sa narinig kong mga salita mula kay Kai.
"Natatakot ako..ayoko magalit ka sakin. Hindi ka dapat nalulungkot. Gusto ko palagi kang masaya at sinisigurado ko na sa piling ko ay magiging ligtas ka...Kaya... kahit na alam kong magagalit ka sakin wala akong pakialam.. basta ang mahalaga..ligtas ka. Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang gawin to sayo? Gusto kong maramdaman mo kung gaano kita kamahal pero.. sa tuwing naiisip ko na may bago ka na..na hindi mo na ako mahal..."
dahil di ko na matiis si Kai, di ko alam kung bakit napadilat ako ng wala sa plano.
Pagkadilat ng mata ko, ang maamong mukha ni Kai...
Bumalik na naman sa pagiging pokerface..
"I prepared your breakfast. Hurry up and eat.." sabi ni Kai sabay bigay ng pagkain sakin na nakalagay sa table tray. Pagkatapos ay umupo na siya sa sofa sabay bukas ng laptop niya.
Napatingin ako sa orasan.. 9:30AM
"K-Kai..wala ka bang pasok?"
"I decided to work at home. Para mabantayan kita."
--------------
Muli kong idinilat ang aking mata, pagtingin ko sa labas ng bintana palubog na ang araw..
Huh? Nakatulog ba ako?
Napatingin ulit ako sa orasan.... 5:27 na ng hapon
"Mukhang napahaba ang tulog mo, uminom ka muna ng tubig."
Kinuha ko ang inumin at madali itong inubos. Dahil ba matagal akong nakatulog kaya uhaw na uhaw ako?
"I am done with work. You look peaceful when you sleep so I didn't bother to wake you up. Pero hindi ka na nakapaglunch kaya ayoko naman pati dinner hindi ka na......."
--------
Pagdilat ko ng aking mata, muli akong napatingin sa bintana..
"Huh? Umaga na?"
"Yes, it's morning. Here's your coffee , take it while it's still hot." sabi ni Kai sabay bigay ng kape.
Hindi ko muna ininom ito at nagpunta ng banyo.
while taking a pee, may napansin ako.
I'm on my period right? Pero bakit parang bagong lagay yung napkin ko?
Paglabas ko ng banyo nakita ko si Kai na nakaupo pa din sa gilid ng kama.
"Uhhmm, Kai? Nagdinner ba ako kagabi?"
"Yes, sabi mo pa na miss mo ang lasa ng liver steak ko. Why?"
"Pagkatapos ko magdinner, natulog ako ulit?"
"Nope, you said naiirita ka kasi parang amoy pawis ka na so you took a half bath and then you went to sleep after that. Why are you asking so many questions? Inaantok ka pa ba? Here drink your coffee para magising yung diwa mo." sabi niya sabay abot ng kape ulit sakin.
Dahil ba meron ako kaya ganito ako. Pero this is the first time i've experience a lapse in my memory.
Well, sa dami ba naman ng nangyari sakin this past few weeks I think this is the side effect.
BINABASA MO ANG
My Kidnapper is???
Lãng mạnPaalala: di po ito horror or fantasy.. What if you have the power to change the past what will you change? Yan ang palaging naiisip ni Lyn Alonna Valerio. Kung titingnan ng iba siya ay isang perpektong tao na kinaiinggitan ng lahat. Matalino, ma...