Samantha's POV
Taon na rin ang nakalipas since lumipad kami ni Ryder dito sa New York, I had to do this because I have to live. Kailangan kong mag pagamot dito sa America because I have Atrial fibrillation it is a heart disease , si Ryder lang ang tanging tao na nakakaalam ng lahat ng ito. Sa totoo lang wala naman sa plano ang isama siya dito at lahat ng nangyari. Ayaw ko man masaktan si Drake ay kailangan naming gawin iyon. Ayoko na umasa pa siya sa aming dalawa dahil ako man mismo sa sarili ko ay hindi sigurado sa kung mabubuhay pa ba ako matapos ang operasyon ko.
Bata palang ako mayroon na akong sakit. Pero noong inoperahan ako ay naging okay naman na ako. But two years ago bumalik ang sakit ko. I was so scared to tell Drake because I know it'll be the reason for his heartbreak.
I was about to leave the country a week after that issue about Ryder and his girlfriend happened. Ryder insisted to come with me, sinabi ko na ayusin niya muna ang lahat sa girlfriend niya pero mas pinili niyang isipin ng lahat na niloko namin sila. At first I was hesitant but then I realized na hindi nga ako makakaalis ng bansa nang hindi ako pinipigilan ni Drake kapag wala akong matinding dahilan para iwan siya.
"Sammy, dinner is served", napalingon ako kay Ryder.
"I bet you miss her", lumapit ako sakanya.
"I do, but every time na maalala ko ang ginawa niya sa akin ay hindi ko alam kung kaya ko pa ba syang harapin", malungkot ang mga mata niya, nakikita kong mahal pa din niya si Yllana.
Sa tagal naming magkasama dito ay madalas niyang mabanggit ang tungkol sakanya. Lahat ng masasayang pangyayari sakanila. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
"Does it really matter, Ryder? Na isa siyang gangster?" I asked him.
"Yes, kasi I can't bare to lose someone in my life again, never again", sagot niya sabay talikod paalis.
Sinundan ko naman siya. Atsaka ako nagsalita.
"But, what happened to your sister in the past is already in the past. I mean, magkaiba sila. Magkaiba ang noon at ngayon. Palayain mo naman yung sarili mo para sumaya ka naman", mahinahon kong sabi sakanya.
"Sammy, kumain ka na", saad niya habang kinukuha ang jacket niya.
"Where are you going?" tanong ko.
"I'll be back before midnight. Be sure to eat well, and drink your medicine, Manang Jessa bantayan niyo ho si Samantha baka atakihin ho siya, ano man ang mangyari tawagan niyo agad ako ha", turan niya sa kasama naming si Manang Jessa.
Naupo na lamang ako at kumain.
10 years ago
"Samantha"
"Santana"
Sigaw ng dalawang batang babaeng kambal.
"Mama, huwag ninyo po kami paglayuin ni Samantha", sigaw ni Santana.
"Pero kailangan niyang umalis anak. Kailangan mag pagaling ni Ate Samantha mo", sagot ng ina nilang lumuluha na rin at ayaw umalis ang anak niyang si Samantha.
"Mama, pwede namang magpagaling si Sam-sam kasama ko hindi ba", humhikbing tanong ng batang babae.
"Sandy, kukuhanin ko na si Samantha, kailangan na namin umalis", saad naman ng isa pang babae.
"Please, huwag na huwag ninyong papabayaan ang anak kong si Samantha, alagaan ninyo siya", patuloy lang ang pagluha ng kanilang ina.
"Santana, promise ko babalik ako. Promise ko magkikita pa ulit tayo", niyakap ni Samantha ang kanyang kakambal na si Santana, halos wala silang pinag kaiba dahil sa sobrang magkamukha sila. Kung hindi lamang sa nunal sa noo ni Samantha ay hindi na matutukoy sino ang sino sa kanilang dalawa.
Lumipad sila pa-America at doon ipinagamot ang sakit ni Samantha sa puso. Makalipas ang ilang taon ay bumalik sila ng Pilipinas. Tinupad ni Samantha ang pangako sa kanyang kapatid na babalikan niya ito. Ngunit tutol ang mga magulang niya na umampon sa kanya na magkita pa sila ng kapatid niya. Palihim na nagkikita ang magkapatid at ilang buwan pa ay nagtataka si Samantha na hindi man lang siya kinikita ng kanilang ina. Tinanong niya ang kapatid at doon niya nalaman na namatay na pala ang kanilang ina ilang buwan lamang nang umalis ito papuntang America.
Lumipas ang mga taon at lumalaking close ang dalawa at halos lahat lahat ng tungkol sakanila ay sinasabi nila sa isa't isa. Maski na ang tungkol sa boyfriend ni Samantha ay kinwento niya sa kanyang kapatid. Kinwento nito kung gaano ito kabait at kung gaano ito kamahal nito. Nakaramdam ng inggit si Santana, sa bawat araw na lumilipas at kinekwento ni Samantha ang tungkol sa kaniyang kasintahan ay lalong nahuhulog ang loob ni Santanta sa binata, lalo na noong nakita niya ito minsan na magkasama. Hindi maipakilala ni Samantha ang kapatid sa binata dahil hindi maaaring malaman na kahit na sino na mayroon siyang kakambal.
Minsan ay nagtalo ang magkapatid dahil nagpanggap si Santana na si Samantha upang makalabas kasama ang boyfriend ng kanyang kapatid. Hindi naman siya nahirapan mag panggap dahil alam niya ang lahat tungkol sa kanilang dalawa dahil sa kwento ng kanyang kapatid. Nang malaman ni Samantha ang ginawa ng kapatid ay nagalit siya. Ipinagtanggol ni Santana ang sarili sa kapatid kaya nag-away sila dahilan ng kanilang pagkakalayo at hindi na muling paguusap.
"Balang araw, Samantha, lahat ng meron ka mapapasakin din", bulong ni Santana habang pinapanuod na umalis ang sasakyan ng kanyang kapatid.
Nagising si Samantha mula sa panaginip na iyon. Ilang gabi na rin siyang nananaginip nang ganon. Tumayo siya at nagtungo sa kusina. Umaga na pala noon. Narinig niya na may nag doorbell, kaya agad naman niya itong nilabas.
"Who is it--", hindi niya natapos ang kanyang tanong nang makita niya si Yllana.
"So, bakit nagpapanggap ang kapatid mo na ikaw kasama si Drake?" tanong nito na kanya namang ikinagulat.
Wala siyang kaalam alam na ang kapatid niya ay nagpapanggap na siya at kasama nito si Drake na nasa Plipinas.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo", sagot niya.
"Nasaan si Ryder? Gusto ko siyang makausap", malamig ang boses na saad ni Yllana.
"Hindi pa umuuwi si Ryder simula pa kagabi", sagot nito sakanya.
"Kung ganon, tayo ang mag usap at kailangan mong ipaliwanag sa akin kung bakit nagpapanggap ang kapatid mo", pinapasok niya ito sa kanilang bahay.
Wala siyang ideya kung paano niya sasagutin ang mga katanungan ng dalaga.
BINABASA MO ANG
I Met The Gangster Queen(My Lady Gangster)
General FictionThis is a story about being inlove.. And being in despair.