Yllana's POV
"Santana is my twin sister, maayos naman talaga kami, nitong huli lang kami nagkagulo dahil kay Drake", we were inside her house at mataman akong nakikinig sakanya.
"All I want to know is bakit siya nagpapanggap na Samantha, did you told her to do that?" I asked her.
"Hindi, actually, bago ako pumunta dito ay kinausap niya ako, she offered me something, na mag papanggap siyang ako para makaalis ako nang hindi nasasaktan si Drake at hindi kami naghihiwalay, but I refused to, ayoko, dahil ayokong lokohin si Drake. Akala ko maayos na ang usapan naming walang ganon na magaganap, pero gaya ng sinasabi mo, naroon nga siya at nagpapanggap na ako", hindi ko lubos maisip na ganoon ang nangyari, ang pinagtataka ko bakit kailangan niyang lumipad dito.
"Why are you here?" tanong ko sakanya. Napayuko naman siya.
"I'm sick, kailangan kong lumipad dito para mag pagamot, I'm sorry kung pati kayo ni Ryder nadamay", she said. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" dumiretso ako ng upo.
"Hindi ka naman talaga niloko ni Ryder, wala naman talaga kaming relasyon", kinwento niya ang lahat sa akin. Kung ganoon, iniwan talaga ako ni Ryder dahil sa kaalamang leader ako ng gang.
Aftet that talk with Samantha nagpaalam ako sa kanya. Sinabi ko na babalik na ako ng Pilipinas. Tinanong ko naman siya kung anong plano niya tungkol sa kapatid niya, hindi pa raw niya alam ang gagawin niya.
Hindi naman nagtagal ay nag check out na ako at bumyahe na ako papunta airport. Hinihintay ko nalang ang oras ng pag alis ko, at nang marinig ko na nga ang hinihintay ko ay agad na akong tumayo at naglakad na. Pero nang ibibigay ko na ang ticket ko ay mayroon akong narinig na tumawag sa pangalan ko.
"Yllana", nagulat ako nang lingunin ko ang lalaking tumawag sa akin. Si Ryder. Anong ginagawa niya dito. Umalis ako sa pila at nilapitan siya.
"What are you doing here? Maiiwan na ako ng eroplano", tinuro ko ang pila.
"Don't leave, please, don't", he hugged me. My tears started to fall.
"Are you for real?" I heard him laughing
"I am, and I am sorry for judging you like that, I'm sorry. Let me make it up to you please", mas lalong humigpit pa ang yakap niya at mas lalo pa akong naluha.
"IKUKUHA KO LANG KAYO NG MAIINOM", paalam ni Samantha, nginitian ko lang siya.
"So what makes you change your mind, Ryd?" Basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Sammy, she told me things that I should realize. I love you, and loving you means accepting everything about you. I love you and I think that is enough reason for me to shrug the things that being a hindrance for us to be happy", hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sobrang saya ko lang.
"I'm sorry for not telling you the truth, I was just so scared na iiwan mo ako, which really happened", medyo natawa kami pareho.
"It doesn't matter now, sorry if it took so long for me to realize my mistake", he touched my face.
"Hey love birds, miryenda muna kayo", I can see how jolly Samantha is.
"Thank you, Sammy", inabot ni Ryder and juice at ibinigay sakin.
"Samantha, is it okay if I tell Ryder?" she nodded.
"Yeah, it's time for him to know, after all parang kuya ko na din siya", ngumiti nanaman siya.
"Samantha has a twin sister", halata ang pagkagulat sa mukha niya. Sinalaysay ko lahat sakanya. Hanggang doon sa nagpapanggap yung kapatid ni Samantha na si Santana.
"Don't you have any plans?" tukoy niya kay Samantha.
"Actually, hindi pa ako pwedeng umuwi, alam mo 'yon, Ryd", sagot naman niya.
"Then, ako nalang. Ako na lang ang uuwi para sabihin kay Drake lahat", napatingin lang ako sakanya.
"No, hindi pwedeng malaman ni Drake ang sakit ko, hindi pa ako magaling, ayokong umasa pa siya na may chance pa kaming dalaw, gusto ko masanay na siya na wala ako", pigil naman ni Samantha.
"Don't you know it's a bit unfair for him?" singit ko sakanila.
"What do you mean?" pareho silang nakatitig sa akin.
"Sa tingin mo ba kapag nalaman ni Drake kung ano mang mangyayari sa'yo ay 'di siya masasaktan? Bakit hindi mo hayaan na enjoyin ninyo pareho yung oras na pwede niyo pang magamit habang hinihintay mo yung oras mo", alam kong may pagka-bitchy yung tono ko.
"May point si Yllana, Sammy. Why don't you just tell him and then hayaan mo siyang alagaan ka dahil mas magiging masakit para sa kanya na iwan mo siya nang hindi man lang niya nagawang alagaan ka", nakita ko ang pagbabago ng expression ni Samantha.
MAKATI CITY PHILIPPINES, it took her almost a week para mag decide na umuwi.
"Hindi ko naisip na mamimiss ko pala ang init dito sa Pilipinas", biro ni Samantha.
"Mauna na muna ako sainyong dalawa ha, kailangan ko muna puntahan ang mga kaibigan ko", paalam ko sakanila.
"Sige, Babe, mag-ingat ka ha", hinalikan pa niya ako sa noo.
"Babye, Ylla, see you. Balitaan ka nalang namin ha", nagulat pa ako nang niyakap ako ni Samantha.
Umalis na ako at iniwan sila. Kailangan ko pa harapin ang mga naiwan kong trabaho dito sa Pilipinas. At sigurado akong nag-aalala na rin ang mga kaibigan ko sa akin.
"Maday ka, Maddy, nagtatago ka ng card", wala pa ako sa loob ay rinig ko na ang ingay.
"Hoy, Wednesday, hindi ah, bintangera 'to", narinig ko naman na sigaw pabalik ni Maddy.
"SINONG UMUBOS NG ICE CREAM KO SA REF?" narinig ko na sigaw ni Skip. Madalang mapasigaw si Skip, madalas lang kapag tungkol sa pagkain ang usapan.
"Nandito na ako", natahimik silang lahat.
"Yllana", sabay sabay nilang sigaw at saka tumakbo sa akin at niyakap ako.
"Teka, hindi ako makahinga, ano ba. Wala naman akong isang buwan na nawala grabe naman kayo", inayos ko ang nagulo kong buhok.
"Hoy, hoy, Ligpitin niyo muna itong ikinalat ninyo dito", napalingon kaming lahat kay Aiva na kasama si Aloha.
"If I know excited lang kayo sa pasalubong ni Yllana e", dugtong pa ni Ellia na kadikit nanaman ang kakambal niyang si Thea.
"Nasaan si Ieva?" tanong ko sakanila.
"I'm here", nakita kong lumabas ng kusina si Ieva na may dala dala pang cake.
"Welcome back, Yllanaaaa", bigla rin namang lumabas si Guia mula sa kusina na may dalang banner. Mayroon pa siyang pintura sa mukha.
"Ang dudugyot ninyong tingnan, ano ba yan", biro ko sakanila.
"Paano, ang tatamad ng mga iyan, si Sandra na nga lang lagi nasa bar para mag bantay", kumakain ng ice cream si Tiffany.
"Hoy, Panyang, ikaw pala kumuha ng ice cream ko, pahingi nga", hianblot ni Skip yung hawak ni Tiffany.
"Okay naman ba ang lahat dito?" tanong ko sa kanila na nagpunta ang lahat sa kusina. Sobrang laki ng kusina namin dahil sobrang dami rin namin. Kusina rin kasi ang tambayan namin kapag nandito kami sa bahay.
"Wait, parang kulang, nasaan si Shalee?" tanong ko habang humihiwa ng cake.
"Hindi namin alam, madalas ngang MIA 'yon e. Pero ngayon baka kasama ni Sandra sa bar", sagot ni Wednesday.
BINABASA MO ANG
I Met The Gangster Queen(My Lady Gangster)
General FictionThis is a story about being inlove.. And being in despair.