Sa madalas namin magkasama lagi na kami inaasar, at kami na ang na link sa isa't isa lagi namin sinasakyan ang mga pang aasar ng mga classmates namin. para sa akin joke lang yun pero sa kanya hindi na pala.
Daig pa kasi namin ang mag boyfriend noon. inaakbayan nya ako, holding hands, at minsan niyayakap ko sya. minsan nag aaway din kami.
katulad ng sobrang asaran namin at ako ang napikon ayun, binato ko sya ng libro.pero parang wala lang sa kanya.pero kinabukasan bati na ulit kami.
October, 2003 naka schedule ang school namin sa field trip. ayoko sana sumama noon kasi yung ibibigay ni mama na pambayad ko itatabi ko na lang. kaso mapilit si Dave kaya ang ginawa nya para sumama ako sya ang nagbayad ng pang field trip ko. ( mahal na noon ang 250pesos para sa fieldtrip)
lately, naging weird si Dave napapansin ko nagpapahalik sya sa mga classmates ko na girls lalo na kay Fe. at sa akin sya huli nag papa kiss. di naman sya tatanggihan ng mga classmates ko sino ba ang tatanggi kung guwapo ang nagpapa kiss sayo.? matangkad, maputi, neat looking at chinito si Dave at mabait pa. may kaya ang family niya at mababait din ito lalo na ang mama nya. kaya suwerte ang makaka tuluyan ni Dave. matalino din c Dave yun lang may pagka pasaway kaya sa school namin sya nag aral instead sa mamahalin na school.
October 25,2003 field trip na namin. Sa Kawit, Cavite , GSIS Museum at Star City kami naka schedule mag punta. pagdating ko sa school dahil dun ang antayan namin. sinalubong nya ako kasama ng pinsan nya. sabi nya tabi daw kami sa upuan sa pagdating sa bus. madami daw sya pinamili foods para daw sa amin. pero hindi nangyari yun dahil walang katabi si fe kaya kay fe na lang ako tumabi pagdating sa bus.
pagdating sa mga pinuntahan namin lagi sya nakasama sa amin. gusto nya pa kami dalawa lang.
Hanggang sa nag uwian na.pagbaba namin ng bus hinawakan nya ang kamay ko. kinausap ko sya para magpaalam na kaso ayaw nya bitawan ang kamay ko . di daw nya bibitawan hangga't wala daw goodbye kiss. kaya yun binigay ko naman ang goodbye kiss ;)
dun na ako nakakutob na may kakaiba na sa mga kinikilos nya.
After field trip nagkaroon kami ng one week sembreak.
BINABASA MO ANG
Highschool Sweethearts
Romanceit was a story of Me and my long time Ex boyfrend. na nakarating sa level na muntikan ng kami ikasal but then hindi natuloy in the end .. it was a different story from the other couples kung bakit usually di natutuloy ang kasal nila. Hopefully mag...