Pinagtapat Ko kay Dave ang tungkol sa amin ni Jess ..
As usual nagalit, siya pa ang nagalit sya na nga yung parang bula na bigla mawawala at parang araw na lulubog at lilitaw sya pa to may gana magalit.
ako pa ang parang lumabas na manloloko.
nag explained ako sa kanya kung bakit at paano nangyari yun.. at hindi rin naman nya ako masisisi.
sabi ko sa kanya akala ko wala na sya dahil bigla na lang sya hindi nagparamdam.although na walang closure i need to move on kesa sa umasa until Jess came at inintertain ko sya.at plano ko na sagutin din si Jess.
Hindi pumayag si Dave dapat daw mag usap daw sila at syempre di ko hinayaan yun. dahil ayaw sya kausapin ni Jess din baka ano pa daw magawa niya kay Dave. ang sabi na lang ni Jess mag decide na lang daw ako kung sino sa kanilang dalawa. ( ang haba ng hair ko mga bes kung iisipin nyo although di nman ako kagandahan in personal.)
Si Dave bf ko since Highschool at minahal ko din ang dami namin pinag daanan. may kabaitan din naman si Dave kaso ang di ko maintindihan ang takbo ng isip nya oo ngayon hindi na bukas.may pagka playboy nga lang., matangkad, chinito,maputi, maykaya at matalino almost perfect ika nga si dave kung titignan.
while si Jess ganun din yung lang mas mabait ito sa kanya. Matangkad,dancer,chinito,at matalino,stick to one.
pero iba talaga mga bes pag puso ang umiral talagang tanga kung sa tanga. kahit lahat ng tao di sang ayon sa pinipili mo talaga wala ka pakikinggan kapag ang puso ang nag decide. ang isip ko si Jess ang pinipili pero ang puso ko si Dave talaga. di ko maintindihan kung ano nga ba ang meron si Dave na wala ang iba o ang iniisip ko na lang talaga ang haba ng pinag samahan namin dalawa.
Pinili Ko si Dave. pero di ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Jess nasaktan pala talaga sya.
di ko akalain na iniyakan nya ako, kinuwento sa akin ng friend ko na si Lui .. sa kanya pala nagsabi ng sama nang loob si Jess. mahal pala talaga nya ako akala ko di sya ganun ka seryoso sa akin. pati ate nya nag message sa akin sa friendster at sinabi sa akin na iniyakan daw ako nito.
na guilty ako .. pero ang hirap naman mag sinungaling tanga sa tanga siguro ako pero kapag naiisip ko na di sya pipiliin nalulngkot talaga ako. Gusto ko naman si Jess yun lang naninimbang talaga si Dave.

BINABASA MO ANG
Highschool Sweethearts
Romanceit was a story of Me and my long time Ex boyfrend. na nakarating sa level na muntikan ng kami ikasal but then hindi natuloy in the end .. it was a different story from the other couples kung bakit usually di natutuloy ang kasal nila. Hopefully mag...