Adie's POV
"Are you looking for Nate?" Nagulat ako nang may lalaking nagsalita sa gilid ko. Sino ba ito? Wala naman siya dito kanina ah.
Napaatras ako ng kaunti nang maglakad siya papalapit sa'kin. Tumigil siya sa harap ko nang umatras ako papalayo.
Napatingala ako dahil mas matangkad siya sa akin. He is wearing a grey vest and red slacks.
Nakacap din siya na kulay itim at medyo nakababa kaya hindi ko masyado maaninag ang mukha niya. Tapos ang puti pa niya, mas maputi sa akin ng konti. Napakapula ng kaniyang labi at ang cool tignan ng hikaw sa gilid ng labi niya.
Ngayon ko lang din nakita ang uniform na suot niya. Wait! Paano naman kaya nakapunta dito ang taga-ibang school? Geez. Irereklamo ko ito ng trespassing.
"Yeah. How did you know?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kaliwang kilay ko.
Paano niya nalaman na si Nate ang hinahanap ko? At kilala ba niya si Nate? Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari ngayon.
"Well...Can't you see? He's right there." Sagot niya habang nakaturo sa malayo. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nagulat ako nang makita ko doon si Nate with his friends.
Nasa isang bench sila sa likod namin at masayang nagkekwentuhan. Napakalayo nila sa'min pero sigurado ako na si Nate nga 'yun.
"What?! Paano siya napunta doon? Nandito lang siya kanina ah!" Gulat kong pagkakasabi habang pinapanood sina Nate at ang mga kaibigan niya na nag-uusap sa malayo. Ano 'yun? Nag teleport si Nate? Ganon?
"That was just an illusion, doll-face." Rinig kong salita ng isang lalaki. What the! Totoo kaya na illusion lang 'yun?! Pero, paano?
Tumingin ako sa paligid ko and there may isang lalaki na kulay pula ang buhok na lumabas sa likod ng isang puno.
Parehas din sila ng suot na uniform ni cap guy. Magkasama siguro silang dalawa at saan naman kaya sila dumaan para makapasok dito?
Mahigpit ang securities sa school namin kaya nakakapagtaka na may nakapasok dito na taga-ibang school.
He's also grinning while staring at me. Naglakad siya papalapit kay cap guy habang nakatitig sa'kin at tumabi dito.
Mas lalo akong napaatras dahil nandidiri ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.
"What? Illusion? Are you kidding me trespassers?" Nanliit ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Niloloko yata ako ng dalawang ito eh.
Tatakbo na sana ako palayo para tumawag ng guard nang magsalita si cap guy.
"We're not making fun of you. We have a special ability like yours." Seryosong pagkakasabi niya sa'kin at tinanggal ang cap na suot niya. Nakita ko din sa wakas ang itsura niya.
Ang ganda tignan ng kulay brown niyang mga mata at ang kapal pa ng kilay niya. Expressionless din ang mukha niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko akalain na gwapo pala ito. Napailing ako sa naisip ko nang maalala ang sinabi niya.
Shit. Anong sinasabi niya? Kilala ba nila ako? Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko rin pinaramdam na kinakabahan ako.
Sumeryoso na din ang mukha nung isang lalaki na kasama niya habang nakatingin sa'kin. Baka mamaya, hinuhuli lang ako ng dalawang ito.
"W-What? Anong sinasabi niyo na special ability? You must be crazy!" I laughed, trying to hide the nervousness that I'm feeling.
"Don't deny it. I can read what's going on your mind." Sagot niya sa'kin. Sira-ulo ata itong mga 'to eh. Pero, hindi kaya tunay ang sinasabi niya?
"Don't fool with me assholes!" I shouted to them. Ako pa ang lolokohin niyo? Hindi ako uto-uto kagaya ng iba dyan! Mga bwiset, nasira pa ang plano ko.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay napatigil ako sa sinabi niya.
" 'Ako pa ang lolokohin niyo? Hindi ako uto-uto gaya ng iba dyan! Mga bwiset, nasira pa ang plano ko.' That's what you've actually said on your mind, right? Ano? Naniniwala ka na sa'kin?" Gulat na gulat ang mukha ko habang unti-unting lumingon sa kanilang dalawa.
Totoo 'yung sinabi niya? Hindi lang kami ni Liz ang may special ability?
"H-How did you do that?" I stuttered. My whole body is shaking now.
"As I said earlier, we have special abilities. Hindi lang kayo ng kaibigan mo ang merong special ability. And yes, totoo lahat ng sinasabi ko." Sagot niya sa'kin. Even Liz? Alam din nila na may special ability si Liz?
Paano nila nalaman at bakit sila nandito?
Malapit ng sumabog ang utak ko sa daming tanong na nasa isipan ko at bago ko pa siya matanong ay nagsalita na siya.
"Because someone helped us and we're here to transfer you to our school. Even your friend." Sabi niya sa'kin. Kami ni Liz lilipat ng school? Saan 'yun?
"W-What?! Transfer?" Tanong ko sa kaniya habang nagpapanic. Ano bang kabaliwan ang nasa isip ng dalawang ito?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napalingon ako sa paligid at buti na lang kami lang tatlo ang nasa field ngayon.
Wala na din si Nate at ang mga kaibigan niya doon sa bench.
"Yes. Sa mundong ito, hindi lang kayong dalawa ng kaibigan mo ang mayroong special ability na tinatawag. So kailangan niyong mag-transfer sa Vermogo Academy, kung saan kami napasok. It's a school for a person with special abilities like us." Paliwanag sa'kin nung mukhang pervert.
Ohh, so Vermogo Academy pala ang name ng school nila. Ngayon ko lang 'yun narinig at saan naman kaya 'yun?
"Pfft. Hahaha!" Nagulat ako dahil biglang tumawa si cap guy. Hindi ko inakala na marunong pala ito tumawa. At ano naman kayang nakakatawa?
Halos atakihin na ako sa puso dito sa sobrang kaba tapos eto patawa-tawa lang. Kanina lang, ang seryoso ng mukha nito eh pero lalo siyang gumwapo nung tumawa siya.
Napailing na naman ako sa naisip ko. Arghh. Stop it, Adie!
Wait? Baka nabasa niya kung ano 'yung nasa isip ko? Kung nababasa niya ang nasa isip ko, edi--OMG! Shit. Kanina ko pa namang sinasabi na gwapo siya. Grrr! Ano ba namang utak ito!
"Hahaha! I told you Jax, you looked like a pervert." Natatawang sabi niya doon sa lalaking pula ang buhok. So Jax pala ang pangalan niya.
"So? I'm proud of it." Sabi nung Jax habang nakapikit pa. Eww, at proud pa nga na ganyan siya.
Ahh. Tama, kung nababasa niya ang nasa isip ko, hmm. Ang pangit talaga nitong cap guy na'to! Mas gwapo pa si Nate. Sabi ko sa isip ko.
Nakita kong biglang sumeryoso si cap guy, mas seryoso ang mukha niya ngayon kaysa kanina habang nakatingin sa'kin. Muntik na ako matawa buti napigilan ko.
"By the way, we've already gotten permission from your parents. Even your friend." Nagulat ako sa sinabi ni cap guy sa'kin.
What the! Pumayag sila? How come?!
BINABASA MO ANG
The Exceptional
FantasyShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...