Adie's POV
"Woohoo!" Napailing na lang ako sa kaingayan ni Jax, kanina pa siya nasigaw na akala mo nakasakay sa roller coaster. Nakasakay kami ngayon sa McLaren ni Sythe papunta sa school. Si Sythe ang driver at ako naman ay nasa front seat. Si Liz at Jax naman ay nasa backseat.
Napagdesisyunan kasi namin na isa na lang ang gamitin na sasakyan, para hindi aksaya sa gas. Hindi pala namin. Actually, si Jax talaga ang nagdecide. Napilitan lang talaga kami.
"Adie anong pakiramdam ng nakaupo sa front seat? Hihihi." Napalingon ako kay Liz nang magsalita siya. My forehead creased as I look at her.
"Huh?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. What kind of question is that? Nahawaan na yata siya ni Jax ng kabaliwan nito.
"Hihi. Wala naman." She said while grinning at me. Geez. What's with her? Para siyang kabayo kung makatawa.
Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa labas at tinitigan ang mga puno na nadadaanan namin. Tago kasi ang Vermogo Academy, parang nasa isang gubat.
"Adie wala ka bang balak bumaba?" Napatingin ako kay Liz nang magsalita siya. Nakatayo silang tatlo sa labas ng kotse at ako na lang ang iniintay na lumabas. Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa academy.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang maunahan ako ni Sythe. Tch. Imbes na magpasalamat ako ay inirapan ko lang siya at lumabas na ng sasakyan.
Pagkatapos niyang ipahiya ang napakagandang katulad ko kahapon? Hah! Mahiya hiya naman siya!
"I have nothing to be ashamed of." Sabi ni Sythe habang nakatingin sa'kin. Napahampas ako sa noo ko dahil doon.
Bakit ba kasi lagi niyang binabasa kung ano ang nasa isip ko? Hindi na nga lang ako mag-iisip kapag nandyan siya! Bwisit na ability ang meron siya!
"Stop reading my mind." Sabi ko na lang sa kaniya at naglakad na palayo sa kanilang tatlo. Sumunod naman sila sa'kin hanggang makarating kami sa tapat ng elevator.
"Buti naman ayos na ang elevator." I said while waiting for the elevator to open. Napatingin ako kay Jax nang tumawa siya sa gilid ko.
"Actually, pinaayos talaga 'yan ni President para sa'yo. Ayaw niya kasing nakikita ka niya na nahihira---Aray!" Hindi naituloy ni Jax ang sinasabi niya nang suntukin siya ni Sythe sa braso. Hmph!
'Kilig ka naman' Bwisit na utak ito!
*Tinggg*
Umuna na akong pumasok ng elevator nang magbukas ito at sumunod sila sa'kin. Sumiksik ako sa likod dahil tinutulak ni Jax si Sythe papunta sa'kin.
"Ano ba 'yan! Sythe doon ka sa likod, sa tabi ni Adie! Ang sikip oh!" Kunwaring reklamo ni Jax. Paano naman magiging masikip? Apat lang naman kami dito.
Napailing na naman ako sa mga kalokohan ni Jax. Si Liz naman, ngiting-ngiti habang nakatingin sa'kin. I just rolled my eyes at her.
Lumayo ako ng konti kay Sythe nang magdikit ang mga braso namin. Yuck.
"10th floor." Sythe said at nagsara na kaagad ang elevator. Naglevel-up yata ang elevator, nung una kasi ay may pinindot pa na kung ano si Sythe bago ito nagsara.
Napapikit ako at hinawakan ang dulo ng palda ko nang humangin na naman ng malakas. Masarap naman pala sa pakiramdam sumakay sa elevator na ito, para akong nasa roller coaster.
BINABASA MO ANG
The Exceptional
FantasyShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...