Chapter 11

153 7 0
                                    

Adie's POV

"Adie! Shopping tayo please?" Sabi ni Liz at nag puppy eyes pa sa harap ko. Geez. Paano ko magagawa ang mga kailangan kong gawin ngayon kung niyayaya naman ako ni Liz magpunta sa mall.

Nasa kwarto ko siya ngayon at nakadapa sa kama ko. Ako naman ay nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama habang naglalaptop. Hahanapin ko kasi sa class list na nakasave dito kung ano ang pangalan nung nerd na 'yun.

Kinwento din nila sa akin ang nangyari sa pageant kahapon. Natuwa ako kasi si Jasper ang nanalo at 'yung babae na Ria ang pangalan na 'di ko naman kilala.

Buti na lang din at hindi na nila ako tinanong kung ano ang nangyari sa akin kahapon.

"Tsk. Mag-shopping ka mag-isa mo o kaya isama mo na lang si Jax!" Pagdadahilan ko sa kaniya at sumimangot siya sa harap ko.

"Ihh! May lakad nga kasi sila ni Sythe! Sasamahan mo lang naman ako eh! Please? Madali lang tayo. Promise." She's really trying to convince me. Lumapit siya sa akin at niyugyog pa niya ang balikat ko.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.

"Madali lang? Sure ka?" Paninigurado ko dahil baka abutin na naman kami ng gabi sa pamimili niya. Kapag kasi napunta kami sa mall ay halos bilhin na niya lahat ng mga damit doon.

"Oo! Promise! Dali maligo ka na!" Sabi niya habang nakataas ang kaniyang kaliwang kamay. Bigla siyang tumayo at hinila ako papasok sa banyo kahit wala pa naman akong sinasabi na pumapayag ako.

Napairap na lang ako sa ginawa niya. Padabog kong sinara ang pinto ng banyo at nag-shower na ako. Nakalagay na din dito ang twalya ko at isang kulay blue na dress. Tss. Talagang pinaghandaan ng babaeng 'yun ah.

~*~

"Adie! Bagay ba?" Tumango ako kay Liz habang tinitignan ang itsura niya. Nakasuot siya ng isang pink floral dress.

Ngumiti siya sa akin at binigay doon sa babae 'yung damit. Geez. Kanina pa kami dito pero hindi pa din siya tapos sa pagbili ng mga damit.

'Di rin naman ako mahilig bumili ng damit kaya wala akong magawa kundi panoodin na lang si Liz. Sinama lang niya yata ako para may tagacheck kung bagay ba sa kaniya 'yung damit. Grr.

Hindi ko na mabilang kung ilang damit na ang naisuot niya dito. Ako ang nahihiya doon sa babae na nag-aassist sa kaniya at mukhang pagod na.

Umupo muna ako sa isang sofa sa gilid dahil nagsisimula na naman pumili ng damit si Liz. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ko ang magazine na nakapatong sa table na katapat nitong sofa.

Inilipat ko siya sa next page at nagulat ako dahil model pala si Jasper ng isang sikat na clothing line.

Inilipat ko ulit sa next page at siya ulit ang model pero unlike kanina, topless naman siya dito. Holy shit! Ang gwapo talaga!

'Mas gwapo pa kay Sythe?' My other mind said. Bwisit. Bakit ba napakahilig niyang banggitin si Sythe?

Tinignan ko pa ang ibang pages at siya pa din ang model doon. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha niya na halos perpekto na. Ang cute din ng dimples niya sa magkabilang pisngi.

"Hi Raven!" Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko nang may tumawag sa akin. Napaangat ako ng tingin at nagulat ako nang makita si Jasper na nakatayo sa harap ko.

The ExceptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon