Adie's POV
"Sure ka Adie?" Sinamaan ko ng tingin si Liz nang tanungin niya ako. Tss. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na niya ako tinanong. Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno malapit sa field.
Sabi ko kasi sa kanila, hindi ako kakain ng lunch. Wala kasi akong gana dahil 'di ko nagamit ng ayos ang ability ko sa klase namin kanina. Nanghihina ang loob ko sa nangyari dahil ako lang ang 'di marunong kumontrol ng kakayahan ko.
Kaya gusto ko lang muna manatili dito at pagmasdan ang napakatahimik na paligid.
Half-day din dapat kami kaso sabi ng principal, kailangan daw naming mag-prepare para sa nalalapit na pageant. 'Di ko akalain na ginagawa din nila ang pageant dito sa academy.
"Tsk. Oo nga! Alis na kayo! Shoo!" Sabi ko sa kanilang tatlo at pinaalis sila na parang aso. Natuwa naman ako nang umalis sila at nagtungo sa canteen.
Sumandal ako sa puno at huminga ng malalim. Ang payapa talaga ng academy na 'to. Tatayo na sana ako at pupunta sa restroom nang mahagip ng mata ko 'yung chinito na umalalay sa'kin. Naglalakad siya mag-isa sa field.
Ang gwapo talaga niya. Nasa malayo siya pero kita ko na ako ang tinitignan niya. Malamang! Ako lang naman kasi ang tao dito. Tumigil siya sa paglalakad at bigla na lang siya nawala sa paningin ko.
Eh? Where is he? Nagulat ako nang bigla na lang siya sumulpot sa harapan ko.
"Hey! What did you just do?" I directly asked. Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.
"Teleportation." He simply said.
"Teleportation? Wow!" Ang cool naman ng ability niya.
"Yup! I teleport instantly to move to another location." He said while still smiling.
"Ouch!" Tch. Ano ba 'yun? Para kasing may tumusok sa ulo ko. Nag-aalala ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin.
"Are you okay?" He asked. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"By the way, what's your name?" I asked. Syempre, 'di ko na palalagpasin ang pagkakataon ko para itanong ang pangalan niya.
"Jasper Chua." Tumango ako sa kaniya. Kaya naman pala singkit ay dahil chinese siya. Hindi na ako nagpakilala pa sa kaniya, kilala na naman niya siguro ako.
"Can I call you by your first name?" Nagulat ako sa tanong niya. Parents ko lang kasi ang natawag sa'kin ng Raven. Ayoko na tinatawag ako ng ibang tao sa first name ko dahil 'di ko gustong pakinggan 'yun.
"Uh. Hmm." Alanganin akong tumango sa kaniya. Yaan mo na! At least maganda 'yung may pangalan. Mas lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa'kin.
Ang gwapo niya bes! Err. Nahahawa na yata ako kay Liz. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko para tignan kung sino 'yung istorbo na nag text.
Hindi naka save sa contacts ng cellphone ko 'yung nag text. Siguro stalker ko na naman ito. Mahirap talaga maging maganda.
09123456789
Where are you now? Pumunta ka na dito sa hall. ASAP! Ayoko ng late.
-President
Tss. Siguradong si Liz ang nagbigay sa kaniya ng number ko. Kung maka-utos naman ang gagong 'to, akala mo close kami. Tsaka ang bilis naman yata nilang kumain.
BINABASA MO ANG
The Exceptional
FantasyShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...