Chapter 13
Adie's POV
Shit. Anong nangyari dito? Nagpunta ako sa kitchen at pinulot ang basag na eyeglasses ni Michelle na nasa sahig. Mukhang inapakan ito pero sino ang may gawa nito?
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at bigla akong napaatras nang may makita akong mga patak ng dugo sa lababo.
"Michelle!" Sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot sa kanya. Kahit kinikilabutan ako ay lumapit pa rin ako sa lababo at nagulat ako nang may makita akong kutsilyo na puno ng dugo.
"Oh shit!" Bigla akong napasigaw nang makita ko si Michelle na nakahandusay sa sahig at halos maligo na sa sarili niyang dugo.
Lumuhod ako sa tabi niya at chineck ko kung nahinga pa siya pero wala na siyang buhay. May mga tama din ng baril sa puso niya. Shit. Anong nangyari sa'yo Michelle? Sino ang may gawa nito?!
Umalis na ako sa kitchen at dumiretso sa kwarto niya. Unlike sa living room, malinis naman dito sa loob at ayos din ang mga gamit.
Napatingin ako sa papel na nasa ibabaw ng desk niya kaya lumapit ako doon at binasa ang nakasulat sa papel.
"Adira?" Bulong ko habang nakatulala sa nakasulat sa papel. Mukhang sulat ito ni Michelle. Ito rin 'yung nakasulat sa papel na nasa box.
Sino ba si Adira? Ano ang alam mo Michelle? Iniwan ko na ang papel at tumakbo ako papunta sa kitchen. Tumawag muna ako ng police bago ako lumabas sa unit niya.
"I'm sorry, Michelle." Bulong ko habang unti-unti kong sinara ang pintuan ng unit niya.
Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya. Pakiramdam ko may kinalaman ito sa akin. Sa pagkatao ko.
~*~
"Adie! Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong sa akin ni Liz pagpasok ko ng unit. Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng variety show sa TV.
Inayos ko muna kasi ang sarili ko sa restroom sa 15th floor bago pumunta sa unit namin.
"Kumain muna kasi ako sa labas bago umuwi tapos traffic pa." Pagdadahilan ko sa kanya at nagkunwari pa ako na pagod.
"Ohh, 'di mo man lang ako binilhan ng pagkain?" Umiling ako sa kanya at nagpaalam na ako na magpapahinga. Gusto ko munang mapag-isa ngayon.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay nilock ko agad ang door knob at humiga sa kama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at biglang tumulo ang luha ko.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay Michelle. Siguro 'yun ang tinutukoy niya sa sinabi niya sa akin noong nasa restroom kami.
Kung naniwala sana ako sa kanya agad, baka hindi siya namatay. Nalaman ko siguro kung sino ang sinasabi niya kung kinausap ko siya ng maayos noon.
Pero kahit umiyak man ako dito at magdrama, walang magbabago. Hindi ko maibabalik ang nakaraan at 'yun ang masakit isipin.
Akala ko magiging okay ang lahat kapag pumasok ako sa Vermogo Academy pero mukhang kabaliktaran ang nangyayari. 'Di ko akalain na ganito kalaking problema ang mararanasan ko.
Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa kama. Kung sino ka man na gumawa nito, hinding hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa plano mo.
~*~
"Where are we going?" Tanong ko kay Sythe. Imbes na sagutin niya ako ay nagdirediretso lang siya sa paglalakad. Argghh. Kanina pa ako pagod dito.
BINABASA MO ANG
The Exceptional
FantasyShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...