Chapter 5

287 11 0
                                    

Adie's POV

"It's a no! Paulit-ulit?" Sabi ko sa kanilang lahat. Nandito kami ngayong apat sa isang restaurant na pagmamay-ari daw ng pamilya ni Jax at kanina pa ako kinukumbinsi ni Liz na lumipat sa Vermogo Academy.

Tinawagan kasi ako ng parents ko kanina na pumunta daw kami ni Liz dito at wala man lang silang sinabi na nandito rin pala sina Sythe at Jax.

Katabi ko sa upuan si Liz habang katapat ko si Sythe at katapat naman ni Liz si Jax. Magkakilala na din silang tatlo at nagtataka ako kasi parang matagal nang kilala ni Liz 'yung dalawa.

Kahapon ko lang sila nakilala tapos itong sina Liz akala mo ilang taon nang magkaibigan kung makapagkulitan kanina.

"Come on Adie! Hindi ba ito ang gusto mo? Kapag pumasok tayo sa school nila, malaya na nating magagamit ang ability natin." Liz explained, trying to convince me.

Nakita kong tumango si Sythe at Jax sa sinabi ni Liz. Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay sa kanila.

They're really trying their best to convince me. Tama naman ang sinabi ni Liz pero nagdadalawang-isip talaga ako.

Hindi ko alam kung bakit, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Feeling ko hindi maganda ang mangyayari sa'min doon.

"How about my true love?" Tamad kong tanong sa kanila. Liz just laughed on what I said.

"True love? Hahaha! You're kidding me Adie! That was just an obsession! You're just obsessed on Nate." Sabi niya at napahawak pa siya sa tiyan niya sa katatawa. Geez. I'm not obsessed!

"Tss. Gotta go. Hindi ako papayag sa gusto niyo." Tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko para umalis. Tumayo din naman si Liz at sumunod sa'kin.

Pinanood lang kami ni Sythe at Jax habang naglalakad kami palabas ng restaurant. Siguro naiintindihan ni Sythe ang nararamdaman ko kasi nababasa niya ang nasa isip ko.

"Basta kapag nagbago ang isip mo, tawagan mo lang kami." Pahabol na sabi ni Sythe. Hindi na ako lumingon pa sa kanila.

Dirediretso lang akong lumabas at pumasok na sa sasakyan ko. Pumasok na din si Liz na nakasimangot ang mukha habang nakatingin sa'kin.

"Adie naman! Lipat na kasi tayo sa school nila. Sigurado akong masaya doon. Malaya na natin magagamit ang ability natin na wala tayong inaalala na baka may makaalam nito. Besides, they already told our parents about it." May point naman si Liz pero hindi pa talaga ako handa eh. Ewan, naguguluhan ako sa sarili ko.

"Okay. I'll think about it." Pagsuko ko sa kanya. Napangiti na din siya sa sinabi ko.

Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at nagdrive na pauwi sa condo namin. Tahimik lang kaming dalawa ni Liz buong byahe hanggang makarating kami sa parking lot ng condo na tinutuluyan namin.

Ipinark ko agad ang sasakyan ko at lumabas kaming dalawa ni Liz patungo sa condo unit namin.

Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa elevator na para bang hindi kami magkakilala. Inintay ko lang na tumigil ang elevator sa 12th floor kung nasaan ang unit namin habang nakatulala ako sa sahig.

Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw. Nang makarating kami sa 12th floor ay dali-dali akong lumabas ng elevator at dumiretso sa unit naming dalawa. Si Liz pa ang nagbukas ng pinto para sa'kin.

"Thanks." Tumango lang siya sa sinabi ko at dumiretso na siya sa kwarto niya. Dali-dali din akong nagtungo sa kwarto ko at nagtanggal ng sapatos.

"Ughh!" Humiga ako sa kama ko at tumulala sa kulay blue na kisame ng kwarto ko.

Papayag ba ako? Arghh! Ginulo ko ang buhok ko dala ng frustration na nararamdaman ko.

The ExceptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon