Adie's POV
Nandito kami ngayong apat na nakaupo sa tapat ng stage ng hall. Ngayon kasi ang pageant. Katabi namin dito ang ibang mga professors bilang judges. Pinagigitnaan ako nina Sythe at Liz at magkatabi naman sina Jax at Liz.
Hindi kami mga judges dito, talagang pinaupo lang kami dito ng principal. Tinignan ko ang nakalagay sa harapan ng stage na pinaghirapan namin ayusin noong isang araw. 'Mr and Ms. Vermogon 2021'.
Hindi rin ako makapagfocus ng ayos dahil sa nangyari kahapon. Tinago ko 'yung itim na box sa drawer ko nang 'di alam nina Liz. Gusto kasi nila na itapon ko na 'yun kaya sinabi ko na lang sa kanila na tinapon ko na 'yun.
Nakapag sorry na din ako kay Sythe pero 'di pa rin niya ako pinapansin. Bwisit talaga ang lalaking 'to. Gusto pa yata na lumuhod ako sa harap niya para mapatawad niya ako. Duhh, never ko gagawin 'yun!
"I'm so excited!" Napatingin ako kay Jax na malawak ang ngiti habang nakatingin sa malaking stage. Siguro iniintay niya 'yung mga naka swim suit na babae. Manyak talaga kahit kailan!
Ang iniintay kong part ng pageant ay ang para sa mga abilities. Kung saan ipapakita nila ang iba't iba nilang kakayahan. Naghiyawan ang mga estudyante nang lumabas na ang mga contestants.
Unang rumampa ay ang mga lalaki. Napahiyaw kami ni Liz nang magtanggal ng pang-itaas na damit 'yung isa sa harapan namin.
Napatingin ako kay Sythe at nakasimangot lang siya habang nakatingin sa harapan. Hmph! Bahala ka dyan!
Panghuling lumabas si Jasper. Napanganga ako nang tinanggal niya din ang pang-itaas na damit niya. He's so freakin' hot!
"GO JASPERRR!!" I cheered him dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang ganda ng katawan niya!
"Tch. Mas maganda naman ang katawan ko dyan." Parang may narinig ako na sinabi ni Sythe pero hindi ko na lang siya pinansin. Kumindat sa'kin si Jasper nang marinig niya ang cheer ko sa kaniya.
Umalis na siya at sumunod naman 'yung mga babae. Sexy din naman sila, pero wala pa ding tatalo sa sexy kong katawan.
Sinulyapan ko si Sythe at nakangiti na siya ngayon. Grr. Akala mo kung sinong inosente, manyak din naman pala. Tse.
Tinignan ko kung sino 'yung nginingitian niya. Nakita ko 'yung babaeng narampa na naka-choker. Ang alam ko second year na siya. Tss. Masakal ka sana sa choker mo!
Nakita kong tumingin siya sa direksyon ni Sythe at ngumiti siya nang matamis habang nakatingin kay Sythe. Yuck. Parang gusto kong masuka.
"Restroom lang ako." Paalam ko sa kanilang apat at tumayo na para pumunta sa restroom. Baka masakal ko lang ang babaeng 'yun eh.
Medyo natakot ako habang naglalakad ako palapit sa restroom. Aish. Bakit ba ang dilim dito? Wala man lang kailaw-ilaw.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng vest ko at binuksan ang ilaw nito. Kaagad akong pumasok sa restroom at nagulat ako nang biglang may humila sa aking babae papasok sa isang cubicle.
Tumingin ako sa kaniya at napagtanto ko na siya 'yung kaklase namin na nerd din.
"Tss. What do you need?" I asked. I looked at her with a bored look. Gusto ko mapag-isa ngayon.
"Huwag kang magtitiwala sa nakikita ng mga mata mo. Itinatago niya lang ang sarili niya sa iba." She stated. I rolled my eyes at her.
"What?! Stop saying nonsense things. You're just wasting my time." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
The Exceptional
Viễn tưởngShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...