Adie's POV
"Finally! Nakarating din tayo sa condo unit natin." Sabi ko kay Liz at dali-dali akong humiga sa sofa dito sa living room.
Kakapagod naman ang araw na ito. Hindi naman kami nagklase sa school kanina. Nagpakilala lang kami isa-isa at sinabi kung ano ang ability namin.
Akala ko pag-aaralan din namin doon ang mga subjects namin sa Scott University, pero hindi pala.
Ang pag-aaralan namin sa Vermogo Academy ay kung paano gamitin ang abilities namin. Exciting 'yun para sa'kin dahil hindi ko pa alam kung paano gamitin ng ayos ang ability ko.
Pagkatapos din ng klase namin ay dumiretso agad kami sa condo unit namin. Magkaparehas lang din pala ang may-ari ng Vermogo Academy at ng condo na ito.
Pinagtataka ko kung bakit hindi alam nina Sythe kung sino ang may-ari ng academy. Hindi daw kasi sinasabi sa kanila ang tungkol doon. Hmmm. Masyado talagang misteryoso ang academy at may-ari nito.
Nilibot ko ang tingin ko sa napakalaking unit namin ni Liz. Ang ganda ng kabuuan nito at glass din ang paligid. Ang hilig naman sa glass ng may-ari nito.
Ang unit naman nina Sythe ay katapat lang ng unit namin. Buti na lang din at kumpleto lahat ang gamit dito sa unit namin ni Liz. Provided daw 'yun ng academy.
Halos lahat ng kailangan namin nandito na, like foods, drinks, napkin, at kung ano-ano pa. Kahit siguro isang taon kaming hindi lumabas dito ni Liz, hindi kami mauubusan ng pagkain.
"Hoy Adie! Bumangon ka nga dyan! Ayusin mo ang mga gamit mo!" Napatingin ako kay Liz nang sigawan niya ako.
Isa-isa niyang nilalabas ang mga damit niya sa maleta at pinapatong sa kabilang sofa.
"Just leave it there." I said to her lazily at tinakip ang throw pillow sa mukha ko.
Nakita ko pa siya na umirap sa'kin pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Arghh! I really hate fixing my clothes.
Okay lang na paglinisin ako ng bahay pero hindi ko kayang ayusin ang mga damit ko. I find it frustrating.
Bakit pa ba aayusin kung isusuot din naman, di'ba? Masasayang lang oras ko sa pag-aayos ng damit.
~*~
"HAHAHAHA!" I slowly opened my eyes when I heard someone's laugh. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dito sa sofa.
Napatingin ako sa dining room at nakita ko doon sina Sythe at Jax na nakaupo kasama si Liz.
Si Sythe ay tahimik lang na nakikinig doon sa dalawa na ang lalakas tumawa. Tss. Kaya naman pala ang ingay.
Humikab ako at tinignan ko ang wall clock sa living room. 6:30 P.M na pala at hindi pa ako nakakapagpalit ng pambahay.
Bumangon na ako at pupunta na sana sa kwarto ko nang tawagin ako ni Liz.
"Come here, Adie. Play with us!" Sabi niya at pinakita sa'kin ang hawak niya na cards. Naglalaro pala sila ng Uno.
"Next time na lang. Aayusin ko pa ang mga gamit ko." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang maleta ko.
"Okay!" She replied at tinuloy ang nilalaro nila. Umirap ako kay Sythe nang mapansin ko na nakatingin siya sa'kin.
Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa'kin kanina. Bwisit.
Hinila ko na ang maleta ko at dumiretso sa kwarto. Pagpasok ko pa lang ay namangha na ako sa design nito.
BINABASA MO ANG
The Exceptional
FantasyShe is Raven Adie Kreiss. A girl with 'special ability'. Ability na hindi pang-karaniwan at hindi tinataglay ng isang normal na tao. Dahil sa special ability na meron siya ay kinailangan niyang lumipat sa Vermogo Academy, ang eskwelahan para sa mga...