I'd like to hear from you, guys. Vote and comment ..
-----------------------------------------------
Kabanata 2
Spy
Pagkapark ko ng sasakyan sa basement ng company building namin ay agad akong lumabas at tumakbo patungong elevator. Pagkasarado ko ay pinindot ko ang 28th floor. Kabadong kabado na ako.
Buhol buhol din ang isipan ko dahil sa kakahula kung ano ba talaga ang rason at bigla nalang napatawag si mommy.
Pagkabukas ng elevator sa 28th foor ay mabilis kong nilakad ang hallway sa kanan patungo sa office ni dad.
May ilan akong nakasalubong na mga empleyado na maligayang bumati sa akin. Kitang kita sa kanilang mga mukha ang saya na nakita nila ako dito.
Nginitian ko nalamang sila habang naglalakad ng mabilis na kulang nalang ay takbuhin ko na.
Nang marating ko na ang opisina ni dad ay hindi na ako kumatok pa. Dire-diretso akong pumasok at nadatnan kong lumuluha si mommy habang inaalu naman siya ni daddy.
Napatingin silang dalawa sa akin. Nang napagtanto nilang ako 'yon ay pareho nilang nasambit ang pangalan ko.
"Winter, anak!" Iyak ni mommy sabay hagod sa akin para yakapin.
"M-mom?" Narinig kong basag ang boses ko habang kunot ang noo. I don't know what's freaking happening right now!
Hindi ko inaasahang ganito ang maabutan ko. The last time I saw mom crying was years ago when lolo was sent to a hospital.
Ako na ang kumalas sa pagkakayakap sa kanya at hinarap ko siya.
"M-mom, what's happening?" Napatingin din ako kay daddy na kita kong sobrang lungkot, panghihinayang at frustration.
"I think..." Sambit ni mommy habang humihikbi, "we're going to lose everything now."
What?!
Napatingin ako kay daddy para kumpirmahin kay daddy ang sinasabi ni mommy. What's that suppose to mean? Lose everything?
Lumapit si daddy at inalalayan si mommy na umupo sa long dark couch na nasa office. Kung hindi nga lang ganito ang sitwasyon na nadatnan ko. Kung masaya sana, ay tumungo na sana ako sa glass wall ng office ni dad kung saan kita ang kabuuan ng buong syudad.
Kumuha ako ng baso at kumuha ng malamig na tubig sa dispenser at ibinigay iyon kay mommy. Si daddy naman ay hinihimas himas ang likod ni mommy.
Bumaling ako kay daddy.
"Dad, ano ba talaga ang nangyayari?"
Huminga ng malalim si dad, "I'm sorry for not telling you and your mom about this," kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. "I've been keeping it for months. Akala ko kasi ay masosolusyunan ko kaagad ito. But I failed. A-and I don't know what to do now--" namula ang mga mata ni dad.
Hindi ko napigilang mangilid sa luha. My dad. Who is so strong. So brave.. Ay ngayon ay halos maluha na rin.
I shake the thought away and look at him again. Sana ang dahilan ng kalungkutan nila at pagkabahala ay hindi ganoon kalaki. But who am I kidding?
Even dad, who's a fighter, who never gives up to anything, is now on the verge of falling. Of giving up.
Kung siya na parang susuko na. Ako pa kaya? Na anak lang at nag-aaral pa lang?
"Dad, please tell what's really going on." Mariin kong sabi.
"Our company is failing," nag-iwas ng tingin si dad para siguro hindi ko makita ang pagluha niya.
BINABASA MO ANG
The Pain You Left In Me
Любовные романыWarning: Some parts of this story are not suitable for minors. Winter Mace Dela Paz has everything she could ask for. She's studying in a well-known university. A face and body that every magazine would do what it takes just to have her as their cov...