Kabanata 3

19 1 0
                                    


Kabanata 3

May sakit

"Winter!" Sigaw ni Clara para mas marinig ko pa. Sobrang lakas kasi ng hiyawan at background music dito sa loob ng Nightlife. Sa sobrang galing ng DJ ay halos mapa indak na sa dance floor ang mga tao dito sa loob.

"Go on," nangingiti kong saway kay Clara, "I'm fine alone."

Lumapit pa sa akin si Clara. Nandito kami sa counter ng Nightlife. Hindi ko na maaninag ang mukha ni Clara dahil tinatamaan ito ng iba't ibang kulay ng laser. Amoy na amoy ko na rin ang alak sa paligid. Pinasadahan ko ng tingin ang dancefloor at kita kong di na magkamayaw si Mau sa mga lalaking kasayaw niya. Ang ibang mga tao nama'y nasa kanilang mga table. Nag iinuman at nag-uusap.

"Winter!" Sigaw ulit ni Clara malapit sa tainga ko. "Come on, stop drinking! Forget your problems and let's party!"

Talagang tumayo pa siya at umindak siya sa harap ko. Oo at nakaaaliw ang mga pinapatugtog ng DJ. I have the urge to join them, but I just couldn't. I'm not here to party. Gusto ko lang na may mapuntahan. Kapag sa bahay kasi ay magmumukmok lang ako. At mas lalo na sa condo ko. Kapag kasi may problema ako ay ayokong nag-iisa, baka kasi ay kung ano ang magawa ko.

Balak ko sanang sa condo nila Mau muna tumuloy. Ayoko munang umuwi lalo na sa bahay. I'm still mad at dad. Hindi ako makapaniwalang naisip niya 'yon!

Kaya lang ako napadpad dito ay may plano pala ang dalawang mag bar ngayong gabi. Kung hindi pa ako sumulpot sa condo ni Mau ay hindi ko pa malalaman. So sa halip na maiwan ako roon sa condo ay nagpatianod nalang ako sa kanilang dalawa.

I need to loosen up. Haharapin ko nalang si dad kapag humupa na ang galit ko. Hindi ko nga lang alam kung kailan huhupa. One day had past na kasi nang magalit ako kay daddy. At ngayong naalala ko na naman siya, ay bumalik na naman ang mga nangyari that day.

"What?!" Napatayo akong bigla nang matapos si dad sa pagsasalita. "Are you out of your mind, dad?"

"W-Winter, please calm down. Just hear me out." Mahinahong sinabi niya habang sinusubukang pakalmahin ako gamit ang kalmante niyang boses.

How am I going to calm down? Hindi niya ba naiisip ang mga pinagsasabi niya?

"William!" Si mommy naman ang humarap sa kanya na kita sa mga matang hindi rin makapaniwala, "Really? You're going to use our daughter?"

"It's not that--" sagot ni dady pero nagsalita ulit ako.

"Bakit ako, dad? You can hire people! Bakit ako?" God, ano na bang nangyayari sa utak niya?

"Winter, if I hire people, that would be obvious! If I hire a person, you think makakalapit siya kay Siege? No!"

"And you think our daughter can come near that guy?" Hamon naman ni mommy.

"Yes, Amanda," mariing tugon niya sabay baling sa akin. "I know what you are capable of, Winter anak. I know you can accomplish this."

Umiiling na ako bago pa man siya makapagsalita. "Hell, no, Dad!" Halos matawa pa ako.

Crap! The last person I want to spy on is that guy! Everybody knows him! What he is and what he does!

Tumayo na si daddy at lumapit sa akin para hawakan ang magkabilang balikat ko. He shakes me slightly. "Win, it's the only way we can do right now. Turn the table for them and let them taste their own medicine!"

"Dad," bumuntong hininga ako at pumikit. "Are we saving our business or you just want to take a revenge?" I look intently to his eyes.

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin. Pero pagkatapos ng ilang sandali ay bumaling ulit siya sa akin. His eyes now look firm.

The Pain You Left In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon