Kabanata 5

10 1 0
                                    


Kabanata 5

Take the risk


Ang mga sumunod na mga araw ay mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko. Akala ko ay mapapahupa ng panahon ang lahat ng problema ko, pero kabaligtaran ang nangyari.

Kinaumagahan ay nagising ako ng halos magtatanghali na. Kahit na medyo masakit pa ang ulo ko sa hangover ay gumayak pa rin ako para pumunta sa mansion.

That was Saturday. Kada weekend kasi ay umuuwi ako sa mansion. And besides, I want to check on mom. Magdadalawang araw ko na kasi silang hindi nakikita o nakakausap manlang ni daddy.

Well probably, mom's alone in the house. Madalas kasing sinasagad ni dad ang trabaho niya sa opisina hanggang sabado kahit na walang mga empleyado. He's very workaholic and I admire him for that somehow. Lalo pa ngayo't malaki ang problemang kinakaharap namin.

When I arrived in our mansion, nakita kong nasa rattan hammock si mommy na nasa garden. Tulala siya pero nang nakitang papasok ang kotse ko sa gate ay tila nabuhayan siya. Tumakbo pa nga siya papunta sa akin pagkababa ko ng sasakyan.

She enveloped me with her very tight hug na para bang ilang taon ang pagkakawalay namin. The look on her face is something new to me. Sobra siyang balisa at puno ng pag-aalala.

The creases on her face are more visible now. This was the effect of that damn problem to her!

I hugged her her back. I missed her. Mom.

"My God, Win! Where have you been?" Sabay pasada ng tingin ni mommy sa buong katawan ko like she's checking if I have bruises or what. Punong puno ng pag-aalala at kalungkutan ang kanyang mga mata. "I was so worried! I texted and called but you didn't answer! Saan ka ba natulog? I even went to your condo yesterday pero wala ka! Tinawagan ko ang mga kaibigan mo pero hindi rin sila sumasagot! God, Win! Akala ko'y kung napaano ka na!"

I embraced mom again para tumigil na siya sa pagtatanong.

"It's alright, mom. Doon lang ako pumunta sa condo ni Clara. Nothing bad happened, mom, so don't worry now."

Ipinagluto ako ni mommy ng pananghalian at dinner that day. May mga katulong naman kami pero ipinilit pa rin niya ang gusto niya. Ganyan talaga si mommy kapag nag-aalala. Sobra ka niyang aalagaan.

Most of the time ay nasa kwarto lang ako. Nakadapa sa kama habang binabasa ang mga librong gagamitin namin for the upcoming school year. Graduating na ako sa Malcolm University. So more than anything, I need to study harder lalo na't inaasahan ng parents ko na magkaka latin honor ako.

For all my life, I always follow them. At bakit hindi? They are my parents, and parents are always right. They know what's the best for you.

The thought of disappointing them is so heartbreaking.

Mga bandang hapon na nang tumawag sa akin si Maureen at binulyawan pa ako ng bruha kung bakit iniwanan ko sila. Tinanong niya rin kung kanino ako nagpahatid. Nadulas kasi ako, at nasabi kong hindi ako nakapagcommute dahil sa kalasingan. She's guessing na si Siege ang kasabay ko na agad ko namang itinanggi. Hell no! I will not tell them about that guy!

Pagkatapos ng tawag niya ay napatulala lang ako. The thought of that guy popped again in my head.

I still feel guilty about what I said bago siya umalis. Though I don't know why. And I'm still confuse kasi parang may takot akong nararamdaman. Para saan?

Itinuon ko na lang ulit ang sarili sa pagbabasa pero hindi ko pa rin magawang hindi siya maisip.

We have the same course. Business Ad. But for the past three years namin sa college ay isang beses ko lang siyang naging classmate at isang subject lang 'yon. After that, hindi ko alam kung bakit hindi na kami naging magkaklase.

The Pain You Left In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon