Kabanata 7
Will happen . . . soon
"Seriously?" Nanlalaki ang mga mata ni Clara. Hinawi niya pa ang bangs niya para matingnan ako ng maayos.
Nandito kami ngayon sa covered court ng Malcolm University. I decided to go here kasi kaunti lang ang mga tao. May ilang mga nagbabasketball na naka jersey pa. Nagbaon siguro ng masusuot para makapaglaro.
I told them everything. 'Yong problema ng pamilya namin, na nanganganib nang magsara ang kompanya namin at baon pa kami sa utang. I even told them about what dad wants me to do. Doon sila mas nagulat.
"Oh my God! I can't believe na ganyan ang pinagdadaanan ng family mo, Win," Mau gives me her worried expression.
Mau holds my hand habang hinihimas himas naman ni Clara ang likod ko.
"So, you agreed to get some information from Siege?" Ani Clara na tinanguan ko.
"I don't know how to do it, Clara." I really do.
Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng impormasyon kay Siege. What the hell's dad thinking, by the way? Ngayon ko lang narealize na bakit nga ba kay Siege? Dahil ba sa anak siya ng may-ari ng Cascavel Hotel Chain, Inc? If that is dad's reason, then it doesn't make sense. I mean, oo nga't anak siya pero hanggang doon lang 'yon. Ano naman ang kinalaman ng anak sa trabaho ng kaniyang mga magulang? Maski nga ako ay hindi ko alam kung paano namamanage ni daddy ang kompanya. And I guess mas worse pa sa akin si Siege na walang inatupag kundi girls, girls and girls!
I'm telling this to Clara and Mau dahil sila lang ang mapagkakatiwalaan ko. Gusto ko ring magpatulong sa kanilang mag-isip ng way para makahagilap ako ng impormasyon mula kay Siege.
Bigla nalang ngumisi si Mau sa akin na para bang may naiisip na naman. Oh God! Not again!
"You should be grateful, Win!" And by that, mula sa lungkot ay biglang nagshift ang mood niya into an excited one! I can't believe she can do that so fast! "Nako, kung ako ikaw agad-agad akong kikilos! Can't you see it? It's Siege Altan Cascavel you're going to spy on! Oh my God! I can imagine myself hiding somewhere in his condo, looking at his burning abs!"
Oh crap! I cannot.
Sinapak ko na. Ang landi talaga!
Pero bigla nalang uminit ang pisngi ko nang nanatili sa isip ko ang salitang 'burning abs'. I've seen Siege na nakatopless when we joined a runway event before. Kahit na sa malayuan ko lang iyon nakita ay ramdam na ramdam ko ang init mula doon sa part ng katawan niyang iyon! I don't know what will happen to me kapag sa harap ko na mismo ito makita! Crap! Here I am again!
"I'm going to get information, Mau. Hindi para mamboso!" Sana hindi nagboses defensive.
"But still, you should be thrilled!" Talagang ayaw patalo ni Mau. "It's the hottest guy on Earth! And Siege seems to like you!"
Halos masamid ako sa huling sinabi niya. Yeah, probably he likes me. He likes me to be in his bed! I'm not gonna bite that bait.
"You know what? I don't care. I just want to get over with it. Kaya tulungan niyo akong matapos ko 'to agad."
I really need to finish this thing as soon as possible. Because aside from an unknown reason I can't name, ay any moment pwedeng magsara na ang kompanya.
"Well," napatingin naman ako kay Clara na halatang nag-iisip, "you need to befriend him."
"What?"
Gusto kong tawanan ang sinabi niya. Befriend that guy? Hell no!
"You must, Win! How are you going to get private infos kung hindi naman kayo friends! Baka mamaya sabihin niya 'Excuse me, are we friends?'"
BINABASA MO ANG
The Pain You Left In Me
RomanceWarning: Some parts of this story are not suitable for minors. Winter Mace Dela Paz has everything she could ask for. She's studying in a well-known university. A face and body that every magazine would do what it takes just to have her as their cov...