Kabanata 8

11 0 0
                                    

Kabanata 8

Dark Gray Shorts


Sa mga araw na nagdaan ay hindi ko magawang alisin sa isip ko ang mga nangyari sa dinner namin ni Siege.

Marami akong nalaman tungkol sa kaniya. At higit pa roon, I know that maybe he's hiding a part of him. Yung part na ayaw niyang makita ko. I wonder what it is.

I saw him not just his smile during that night, but also the way he laugh that is so manly. Hindi naman pala siya ganoong kaseryosong tao gaya ng iniisip ko. Or maybe he's just pretending to be happy? I don't know which is true. He is still a puzzle to me.

At dahil sa pagkamisteryoso niya ay natatakot akong mapalapit sa kaniya. I don't know what he's capable of. Hindi ko pa siya masyadong kilala para masabi kung totoo ang mga pinapakita niya.

Well, I don't need to know him that much. Hindi naman iyon ang pakay ko sa kaniya.

Siguro ay wala rin lang naman sa kaniya ang gagawin ko. He's a known user, and I will use this famous guy.

Sa dalawang araw na lumipas ay sinakyan ko nalang ang mga kagustuhan niya.

The day that follow kasi ay nagtext siya sa aking nasa parking siya ng Silva Hotel sa basement. Sakto namang paalis ako noong tanghaling iyon para puntahan sila Clara sa condo niya. Papunta na rin si Mau doon.

Syempre at first nairita ako kasi, hell! Bakit siya nandito? But then, pumasok sa isip kong I need to establish connection to him.

Kahit na gustong gusto kong tarayan siya at ipagtabuyan siya paalis ng hotel ay hindi ko na nagawa dahil naiisip ko ang mga dapat kong gawin at isa pa, kada makikita ko siya ay nanlalambot nalang ang mga tuhod ko at ang galit at irita sa loob ko ay bigla bigla nalang naglalaho.

hindi ko na pa inintindi ang mga iyon, sa halip ay ipinagpasalamat ko nalang dahil parang nakakatulong naman ang mga nararamdaman ko sa pagsasagawa ng mga dapat kong gawin.

Sinubukan kong magtaray nang malapitan ko na siya pero tumiklop agad ako sa itsure ng gwapo niyang mukha. Nagpupumilit talaga siya at sobrang kulit. I just laugh at the thought na marunong palang maging makulit ang barakong ito. In the end ay hindi lang niya ako hinatid, naisama ko pa siya sa loob ng condo ni Clara.

Gulat na gulat ang dalawa kong kaibigan nang makitang kasama kong pumasok si Siege na busangot ang mukha. Tinarayan ko kask bago kami umakyat ng building.

Halos mapatili pa si Mau sa nakita niyang pagluwa sa amin ni Siege ng pinto ng condo.

Ngumiwi lang ako sa dalawa.

"U-Uh... si Siege nga pala," I know na kilala na nila si Siege, but I needed to break the silence, alright?

Napatingin sa akin si Siege na nakataas ang mga kilay na para bang dapat ay may idugtong pa ako.

"K-kaibigan ko," sabi ko, at dahil doon ay ngumisi ng todo si Siege. Oh great, this is really happening.

Habang kumakain kami sa kusina nila Clara ay panay ang senyasan naming tatlo. Hindi naman iyon nakikita ni Siege dahil abala siya sa pagkain.

Sinisenyas ko sa kanila na 'kaibigan' ko nga lang si Siege. Ito kasing si Clara ay sinesenyasan akong kami na daw with matching Heart shape pa sa kamay!

The thought of being the girlfriend of this man beside me makes my heart beat so fast. Dahil siguro sa kaba na baka kung ano ang gawin niya sa akin, na hanggang kailan niya ako papakinabangan. One day? A week? A month?

Dahil kasama ko sa condo ni Clara si Siege ay hindi ko na naikuwento sa kanila ang tungkol sa dinner at tungkol sa pagpapanggap ko na kaibigan niya lang na nagstart lang din kanina. Kaya naman sa text ko nalang iyon naikuwento sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Pain You Left In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon