After 2 years.
Pagkatapos ng dalawang taon ay bumalik na din kami dito sa Korea, oh i missed this place so much! Sinalubong naman ako kaagad ng mga bestfriends kong sina Rosé unnie, Jennie unnie and Jisoo unnie kaso nga lang, nalilito pa ako sakanila kung sino si Rosé, Jisoo at Jennie. Hehe
But, I know, bestfriends ko sila. Hindi pa man buo ang naaalala ko dito sa mga bestfriends ko, alam na alam ko naman na true bestfriends ko sila.
Gumala kami kung saan, sa mall, sa park at kung saan pa man, kasama naming apat na babae si BamBam, syempre, di mawawala si BamBam, dapat di humiwalay sakin ang kras ko, hihi. :'>
—
After how many weeks ay pasukan nanaman, ohmygod, sana naman matandaan ko pa ang mga classmates ko dati. Sana maging close ko pa din sila.
Nandito ako sa cafeteria, kaming dalawa pala ni BamBam, hinihintay namin yung mga girls, magkaklase kasi kaming lima eh.
I was about to chat the girls pero napindot ko 'yung photos, and ang ikinabigla ko pa, eh yung picture ko with another guy yung bumungad sakin, teka, sino ba 'tong lalaking 'to? ba't may picture kaming ganito sa phone ko?
Pinakita ko naman ito sa kaharap kong si BamBam. "Bam, who's this guy?" Tanong ko sakanya.
"Your friend." Sagot naman niya.
"Anong name?" I asked pero kibit balikat lang ang isinagot niya. Well, pagtango na lang din ang nagawa ko.
After ilang minutes ay dumating na din sina Jisoo unnie, papunta na kami sa room kaso nga lang, nagsigawan yung mga babaeng students, nakakarindi yung mga tilian nila, anong bang meron?
Nakita ko nalang may naglalakad nang 7 boys with one girl. Parang linta naman yung babae, lakas makakapit sa braso nung lalaking nasa gitna.
"Sino naman 'yang mga yan?" Tanong ko naman. Halos ilang segundo ako naghintay ng sagot dito sa apat na kasama ko, pero ni isa walang sumagot.
"Wuy, sino yang mga yan?" Tanong ko ulit.
"Yang 7 guys, bangtan yan. Yan namang isang girl, g-girlfriend nung nasa gitna." Sagot naman ni Jisoo.
"Oh I see, para siyang linta na kung makakapit dyan sa lalaking nasa gitna eh. Anong name ba nyang lalaking nasa gitna na 'yan?" Tanong ko ulit.
Napalunok naman si Rosé unnie, luh? "Ah-Ano, s-si Jungkook. Jeon J-Jungkook ang name niya. Hehe" Sagot naman ni Rosé Unnie. Pero ba't ba sila nauutal?
"Ahh, halikana, baka malate na tayo." Sambit ko at naglakad na kami. BamBam was about to open a new topic when somebody called my name.
"Lisa..."
Napaharap ako dun sa tumawag ng pangalan ko, wait, yung Jungkook ba 'yung tumawag sakin? Wtf?
"Kilala mo ako?" I asked. Pano niya ako nakilala? Woah, sikat na din ba ako? Pfft, just kidding.
"Ah, Yes— n-no. Sino ka ba?" Sambit naman nung Jungkook. Ay wow, ang sungit niya. Siya nga 'tong tinawag ako. Napatingin naman ako dun sa babaeng nakahawak sa braso niya, si linta girl. Ang sama nang tingin sakin, luh?
Tinalikuran ko nalang sila at hinawakan ko nalang ang kamay ni BamBam, "Let's go, baka malate na tayo." Sambit ko at pumunta na kami ng classroom.
—
The class has ended. Nagkwentuhan muna kami ng mga unnie ko, and after that, umuwi na sila. Sa chat nalang daw kami maguusap mamaya.
Natira nanaman kami ni BamBam dito, hihi. "Bam, cr lang muna ako ha?" Pagpaalam ko naman sakanya at tumango lang siya bilang sagot.
Pagkapasok ko sa CR ay naabutan ko si linta girl, wow naman, ang galing talaga ni destiny! Hahaha.
Naglalagay siya ng lipstick pero napatigil siya sa paglagay ng makita niya akong pumasok dito sa loob ng washroom.
"Oh, hi Lisa." She greeted me while she's smirking. The f? sira ulo ba siya?
"Kilala mo ko?" I asked.
"Damn, wag kang magmaang maangan na parang wala kang natatandaan. Sorry Lisa, pero Jungkook is already mine, lubayan mo na siya. Bakit ka pa kasi bumalik? Tss." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko, what is she talking about?
"Sino ka ba?" I asked.
Nabigla naman siya. "Di mo ko kilala? Hello? I'm Tzuyu Chou!" She answered but, it seems plastic.
"Tzuyu? I'm sorry, I can't remember you." Sambit ko at pumasok na ako sa cubicle. Iniwan ko na siya dun.
—
"Tagal mo naman." Sabi ni BamBam sakin nung bumalik na ako dito sa kotse.
"Ah, may linta kasi dun eh." Sagot ko, at napatawa nalang.
"Linta?! Buti kita sinupsupan ng dugo." Nagaalalang sambit ni Bambam, damn this man. Paranoid na masyado. Hahaha.
"Don't worry, pinatay ko na din naman eh." I said as I smirked.
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017