Jungkook's POV
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung bakit umabot na kami sa puntong 'to. Isang tanong lang ang naglalaro sa utak ko.
Bakit?
Damn, Lisa. You're driving me crazy! I maybe sound so gay but damn it! Ang sakit. Those words coming from her is killing me. Ang sasakit ng mga salitang binitawan niya saakin.
Napahilamos nalang ako saaking sariling kamay at hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Padabog kong itinapon ang hawak kong bote ng beer sa ere. Kung titignan ang kwarto ko, halos lahat ng gamit ay basag na. Putangina. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Umiiyak nanaman ako ng dahil sa isang babae lang. Nang dahil nanaman lang sakanya. Siya lang talaga ang nakakapagpaiyak saakin ng ganito.
Damn it, Lisa.
"Putangina!!" pagsigaw ko sabay suntok ng malakas sa pader. Dinudurog na nga 'yung puso ko't maslalo pa itong nadurog nang malaman kong bumalik na si Lisa sa Thailand at engaged na sila Bambam. Puta. Ano bang kulang saakin at naghanap pa siya ng iba?
Binuksan ko 'yung isang bote ng beer at nilagok ito. Napagalaw nalang ang panga ko nang maalala ko nanaman 'yung sinabi ni Lisa.
"Si Bambam naman talaga ang mahal ko, hindi ikaw..."
"Fuck this life!!" pagsigaw ko nanaman. Simula nang magbreak kami ni Lisa ay naging miserable na ang buhay ko. Sino ba naman kasi ang hindi magiging miserable kung 'yung taong mahal mo ay hindi kana mahal? Punyemas!
But I still got this fucking feeling. Mahal niya pa ako, alam ko 'yun. Pero bakit siya nakipaghiwalay? Umaasa pa din ako na babalik siya. I know, she'll come back for me. Pero ewan ko ba, may parte saakin na nawawalan na ng pag-asa. Damn shit.
Hindi ko maggawang magalit kay Lisa. Oo, sinaktan niya ako pero masnangingibabaw pa din ang pagmamahal ko sakanya. Despite those painful words that she've said to me. It's been a week since we broke up and I already miss her, so damn much.
I locked myself here inside my room. Ayoko munang magpakita sakanila. Ayokong makita nila akong miserable. Pero wala na eh, sirang sira na ang buhay ko. Puta! Si Lisa na ang buhay ko and now, she's gone. Hindi na siya akin. Sa buong buhay kong nakasama ko siya, siya lang 'yung laging iniisip ko. I know she have her reasons. And I'm willing to listen to it at papaniwalaan ko kaagad siya. Pero ang inirason niya lang saakin ay hindi niya na daw ako mahal. Fuck it!
Uminom ulit ako ng alak sa bote na hawak ko. Wala akong ibang inisip kundi si Lisa lang. Putangina talaga, mababaliw na ako! Halos lahat na ng mura nasabi ko na pero wala pa din akong maisip na rason kung bakit niya ako iniwan. Imposible namang hindi niya na ako mahal agad unless, kung hindi niya talaga ako minahal. Ano 'to, lokohan? Pero hindi—minahal niya ako. And I know that. Naramdaman ko 'yun. Pakshet, Lisa. Ano bang nangyari sa'yo?
Hinayaan ko lang na bumuhos ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Wala na akong pake kung anong magiging itsura ko ngayon. I sacrificed everything for her pero napunta lang sa wala ang lahat ng iyon. Siguro kasi napakawalang kwenta kong tao kaya siya nakipaghiwalay saakin. My life before has no meaning and then, she came. She made my life as a paradise. Yung walang kakwenta-kwentang buhay ko dati ay binigyan niya ng kulay. She's my happiness. My euphoria.
Napatingin ako sa direksyon ng pinto nitong kwarto ko nang marinig kong may kumakatok. "Dude, this is Jimin." wika nito. Ininom ko lang itong alak na hawak ko't agad kong itinapon ang bote dun sa pintuan. Agad naman itong nabasag.
"Dude, you okay there?" ramdam ko ang labis na pagalala sa boses niya pero hindi ko alam kung bakit wala muna akong pakialam. Hindi ako sumagot.
"Jungkook!" tinawag niya ako't napagalaw nalang ang panga ko. Ayoko muna mag-entertain ng bisita ngayon—di ko pa kayang humarap sakanilang lahat. I'm still broken. At habambuhay na akong ganito, kamiserable.
"Wag mo naman ikulong ang sarili mo dyan," wika niya pa. Kahit naman lumabas ako sa kwartong ito ay para pa din akong nakakulong. Nakakulong sa isang bangungot na hindi na saakin si Lisa, na ikakasal na siya sa iba...
"Just go." mahinahon na sagot ko kay Jimin pero sapat naman iyon para marinig niya.
"Jungkook, just open the—"
"Just fucking go!!" hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Kinakain na ako ng galit dahil sa sakit na nararamdaman ko. But don't get me wrong, hindi ako galit kay Lisa o kahit kanino man. Hindi ko lang alam sa sarili ko kung bakit ambilis nang maubos ng pasensya ko. I can't take this pain anymore.
Damn it, Lisa. Why did you friggin' leave me dumbfounded? Bakit mo ako iniwan sa ere?
***
Author's Note: So yeah, malapit na ang epilogue. But first of all, I wanted to apologize dahil ang lame na ng mga updates ko. At pangalawa, always akong late update. Pero eto, seryoso na. I'm already back! Yay. So ayun, maguupdate na ako daily. Lol. Pero sana, intindihin niyo naman ako, I have my own life din. Hindi sa lahat ng oras ay nakatutok lang ako dito sa wattpad, 'no? Wag niyo naman akong bigyan ng mga feedbacks na 'bitin' 'update na po'. Nakakapressure din kasi. At tsaka, nakakawalang gana magsulat. Nafefeel ko din na mabitin sa story, 'no? May mga on-going stories din 'yung mga fave authors ko kaya nafefeel ko din 'yan. Simpleng pagiintindi lang ang hihingin ko sainyo. But anyway, thank you for supporting me! ♥
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017