Flashback >
Taehyung's POV
"Jungkook..." Pagtawag ko sakanya ng makarating na ako dito sa bar. Lumingon naman kaagad siya sakit at pumilit ngumiti.
Gusto ko sana siyang ngitian pabalik pero hindi ko magawa, masayahin akong tao at palabiro pero di ko talaga matanggap yung mga inasta ni Jungkook noon, alam kong sakanilang dalawa ni Lisa, si Lisa ang pinakanasasaktan dito, kung nakakaalala lang sana sya.
"Hyung, salamat naman at dumating ka." Nakangiting sambit niya, umupo lang ako sa upuan na kaharap niya at seryoso ko lang siyang tinignan.
"Anong paguusapan natin?" Seryosong tanong ko.
"Hyung, mahal na mahal ko pa si Lisa..." Sambit niya na ikinagulat ko, napatawa nalang ako, tawa na para bang naiinsulto.
"Alam mo, Jungkook. Kung hindi lang kita naging kaibigan dati baka nasuntok na kita. At mahal na mahal mo pa si Lisa? Gago ka ba? Kung mahal mo talaga siya, dapat hindi ka nagsawa sakanya. Tangina." Hindi ko na napigilan ang galit ko, inaamin ko, naiinis ako kay Jungkook pero hindi ko magawang magalit, alam kong may rason siya. At kung ano man yung rason na yun paniniwalaan ko pero puta, wala man lang siyang sinabing rason ni isa. Kaya ako nainis!
"Hyung, sorry. Sorry kung ginago ko si Lisa, sorry kung naglihim ako sainyo, sorry kung ang gago ko, sorry kung ang sama sama kong tao, sorry..." Naluluha niyang sambit.
"Hyung, kaya ko lang naman ginawa yun para kay Lisa eh, mahal na mahal ko siya..."
"Mahal na mahal mo tapos pinagsawaan mo?! Nahihibang kana ba?!"
"Hyung, eto. ibigay mo yan kay Lisa, diary ko yan." Sambit niya at ibinigay niya sakin yung notebook, pinunas niya naman yung luha niya.
"Hyung, pakiusap, kung mawala man ako sa mundong 'to, pakibantanyan naman ang prinsesa ko, si Lisa..."
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017