119

1.6K 43 24
                                    

"Ms. Manoban?" Tinawag ako ng prof ko, dismissal na din naman kaya inaayos ko na ang gamit ko.

"Bakit ma'am?" Tanong ko't lumapit ako sakanya.

"Can you do me a favor?" Tanong ni ma'am.

"Sure po." Sambit ko at saka tumango.

"Punta ka dun sa examination room, kunin mo 'yung mga exam papers dun for literature, okay?" Utos naman ng prof ko at tumango lang ako.

"Okay, ma'am." Sagot ko at lumabas na ako ng classroom.

Nang makarating na ako sa 3rd floor ay hinanap ko na agad 'yung examination room, obvious naman na dito sa 3rd floor 'yung room na 'yon.

Nang mahanap ko na ay nagtaka ako, bakit naka-half open ata ang pinto ng room na 'to? Well, ewan ko dyan. Pumasok nalang ako sa loob at sasarahin ko na ang pinto.

"N-No! Wag!" Pagsigaw ni—Jungkook?! But, it's too late, nasara ko na 'yung pinto. Napalunok nalang ako.

"Ay hehe, bakit?" Tanong ko.

"Sira ang pinto na 'yan, walang knob. Ayan, we're already locked." Inis na sambit ni Jungkook at napaupo nalang siya sa sahig.

"Teka nga, ba't ka nga ba nandito?" Tanong ko.

"Nandito ako kasi gusto kong mapagisa sa tahimik na lugar." Sagot naman niya at napatingin siya sakin, "Dito ko nilalabas lahat ng problema ko, miss na miss ko na 'yung babaeng mahal ko, puta." Sambit niya at saka yumuko. Babaeng mahal niya? Si Tzuyu? Wow naman, pwede naman kasing puntahan niya eh.

"Ah okay." Sabi ko naman at hinanap ko na yung mga exam papers na kailangan kunin ko dito, nang makita ko na ay kinuha ko ito kaagad at hinawakan.

Pumunta na ako dun sa malapit sa pinto pero hindi mabukas, wtf?! Akala ko nagbibiro lang si Jungkook. Pinipilit ko pa din na bumukas ang pinto pero di bumubukas, nagsstart na akong magpanic, pinagpapawisan na ako.

"Fuck! Open this door!" Pagsigaw ko at nagbabakasakaling may makakarinig sa labas, I was just tapping the door hardly, damn, nagpapanic na ako, pano kung di na ako makalabas dito?! pano kung dito na ako mamatay?!

I kicked the door but nothing's happened. "Fuckingshit! I don't want to be stucked here forever! Especially with you! Damn! What if I die here?! Tangina! Pano na 'to?! Ayoko—"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil binigla ako ni Jungkook, he held my shoulder at isinandal niya ako sa pader, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, 3 inches I guess?

He's just looking at me, into my eyes. "Hey, relax. Di tayo makakalabas dito kung panic ka nang panic dyan." Seryosong sambit niya at nakitingin pa din sakin.

"So, what? anong gusto mong gawin ko? Magpakarelax lang dito?! Damn! Nakakulong na tayo dito!" Pagsigaw ko pa at tinulak ko siya ng konti, maslalo akong di makahinga kasi ang lapit niya ng mukha niya sa mukha ko.

"Makakalabas naman tayo dito eh, kaya ikalma mo ang sarili mo." Nang dahil sa sinabi ni Jungkook ay naikalma ko ang sarili ko, makakalabas naman pala kami dito eh, hay nako.

"Kaso nga lang, bukas pa." Dagdag niya pa at what the heck?!

"Bukas pa?!" Pasigaw kong tanong.

Marahan siyang tumango. "Bukas pa 'to bubuksan nung janitor." Aniya.

Leche, ba't bukas pa?! "Kaya nga iniwan kong naka-half open yung pinto kasi sira eh, sinara mo naman." Sambit niya ulit. So, ako ba dapat ang sisisihin dito?! Nakakainis 'tong squidward na'to!

"Ba't mo ba kasi sinara 'yung pinto?" Tanong niya.

"Hindi ko alam na sira ang pinto—"

"Siguro, gusto mo kong masolo, 'no?" Sambit niya at ngumisi siya. Tangina, nangaasar ba siya?!

"Asa ka! Ba't ko naman gugustuhin na masolo ang isang katulad mo?!" Inis na sambit ko, damn, nakakulong na nga kami dito tapos nagtatalo pa kami. Tsk

"Huminahon ka, nagbibiro lang naman ako. At tsaka may girlfriend na ako, mahal ko 'yun." Sambit nanaman niya, napaupo nalang ako dun sa upuan, nakakapagod tumayo.

"Well, stay strong for the both of you then." Sagot ko naman.

"Umiwas ka sana kay Tzuyu, wag kang lumapit sakanya." Seryosong sambit ni Jungkook at dahil dun napatingin ako sakanya.

"Wala naman nga akong ginagawang masama sa girlfriend mo at ako pa talaga ang iiwas? Hindi ko nga siya nilalapitan eh, siya mismo ang lumalapit sakin kaya siya ang pagsabihan mo!" Sigaw ko nanaman kaya natahimik na siya.

"Then, fine. Calm yourself. Wag na tayong magaway dito, hintayin nalang natin na may bumukas nang pinto." Mahinahong sambit niya.

"Hay nako, may phone ka naman atang dala diba? Try mo kayang tawagan yung mga katropa mo, duh." Pagsusungit ko.

"Meron pero lowbattery. Nagpower off na nga." Sagot niya naman at napaikot ko nalang ang mga mata ko, damn. "Eh ikaw? Tawagin mo kaya yung Bambam mo." Sambit nanaman niya.

"Naiwan ko ang phone ko sa room, obviously, nasa room pa ang bag ko. Tsk." Inis na sambit ko. Pero yun na yung huli kong salita dahil namatay na ako, dejoke lang. Mawawalan ng dyosa sa mundo pagnawala ako hehe. Pero natahimik na kaming dalawa at wala nang pumuputak. I mean, nagsasalita.

Bonhomous | LiskookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon