"Hoy mga bata! Gising na kayo!" Napamulat nalang ako dahil may yumuyugyog sakin. Nagulat ako nang makitang wala ako sa kwarto ko, at maslalo akong nagulat ng nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Jungkook. wtf?!
Nagising na din si Jungkook, napatingin siya sakin pero nagiwas na ako ng tingin. Tumayo na ako at ganun din siya. "Bakit dito pa ninyo na isipang matulog? Hay nako, iba na talaga ang mga magsyota sa panahon ngayon." Sambit naman ni manong janitor habang nagmomop.
"Luh! Di po kami magsyota." Sambit ko, napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng room na'to, damn. 5:49 am na.
"Ah, thank you po sa pagbukas ng pinto, mauna na ako." Sambit ko at lumabas na ng room na 'yon, pumunta na ako dun sa room ko at wala na 'yung bag ko. Tsk, pano ako makakauwi nito? Napansin ko lang, kanina pa sunod ng sunod si Jungkook sakin. Tsk
"Lisa, sumabay kana sakin." Sambit ni Jungkook.
"Ah, wag na. Hintayin ko nalang si BamBam dito." Sambit ko at naupo nalang dun sa armchair.
"Wag nang matigas ang ulo, sumama kana, ihahatid na kita sa bahay niyo." Sambit niya at lumapit na siya sakin, hinawakan niya na ang wrist ko.
"Teka, alam mo kung saan ang bahay namin?" Nagtataka kong tanong.
"Oo naman, hinahatid sundo kaya kita dati." Sagot niya at dahil dun, sumama nalang ako sakanya at hindi na nag inarte pa. Nang makarating na kami sa parking lot ay sumakay na agad kami sa kotse niya, sa backseat ako umupo, ewan ko ba pero parang feeling ko kasi, last time na umupo ako sa passenger's side which is katabi ng driver's seat ay nasasaktan ako. Oh god, I'm so weird.
Ni isa walang umimik sa buong byahe. "Minsan napapaisip nalang ako na, gusto kong ibalik ang mga alaala ko pero ang hirap eh." Biglang sambit ko, napatingin naman sakin si Jungkook pero ibinalik niya din naman kaagad ang tingin niya sa daan.
"Masmabuti pang wag mo nang maalala 'yung iba. Baka masaktan ka pa." Sambit naman niya habang nagdadrive at nakafocus sa daanan.
"Kung sabagay. Tama ka naman. Ay teka nga, close ba tayo dati?" Tanong ko. At nakita ko siyang lumunok. Hala?
"H-Hindi. Masyado kong mahal ang girlfriend ko kaya dumidistansya ako sa mga babae. Ayokong gumawa ng mga bagay na ikaseselos niya."
"That's good. Meron pa palang loyal sa mundo eh." Sambit ko at nginitian ko siya, ngumiti din naman siya pabalik.
Oh shit! Biglang sumakit ang ulo ko, his smile was so familiar. Yun yung ngiti na nakikita ko sa mga panaginip ko these past few days. And— yung picture na nakita ko sa phone ko last time, yung pinakita ko kay BamBam, si Jungkook 'yun diba?
Ba't kami may picture na ganun kung di kami close?
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017