EPILOGUE PART 1
LISA'S POV
Kasalukuyang nasa kotse kami ni Bambam papuntang kumpanya. I'm sitting beside him, sa driver's seat siya nakaupo samantalang nakaupo naman ako sa passenger's seat. Hindi naman maiiwasan dito ang traffic pero compared sa ibang country, medyo kaunti lang naman ang traffic dito.
Napapangiwi nalang ako kapag nagsstop ang kotse. Ayokong nalelate ako sa trabaho ko sapagkat madami pa akong kailangan gawin. In fact, I'm the boss. Kailangan maging example ako sa mga employees ko. Ako na ngayon ang directress ng aming kumpanya at CEO naman itong si Bambam. But syempre, our parents are still helping us to improve.
Three years palang naman kami dito sa posisyon, mas may alam naman 'yung mga parents namin kaysa saamin, 'no. Simula nung makapasok na ako sa kumpanya namin—trabaho nalang ang binibigyan ko ng pansin para makalimot ng kaunti kahit papano. Pero hindi, e. Kahit na napaka-workaholic ko ng tao ngayon, hindi pa din maalis sa isipan ko 'yung mga nangyari noon.
Nakakamiss din 'yung mga memories ko sa Korea kasama ang mga eonnies ko, kasama ang mga kaibigan ko. At syempre, 'yung mga memories namin ni Jungkook ng magkasama. Sa loob ng apat na taon, walang araw at gabi na hindi ko inisip ang mga 'yon.
Hindi ko nga kayang kalimutan at palitan si Jungkook, e. Siya pa din yung lalaking mahal na mahal ko kahit na may mahal na siyang iba. Kung saan siya masaya, dun na din ako. Susuportahan ko nalang siya.
Alam kong nasaktan ko 'yung mga kaibigan kong naiwan ko sa Korea. Since lumipad na ako dito sa Thailand, hindi ko na pinansin 'yung mga messages nila para saakin. Nalaman ko pa nga na binisita nila ako rito ngunit hindi ko sila inentertain—hindi na kasi ako tumatanggap ng bisita na galing Korea simula noon. Sobra pa kasi akong nasasaktan noon, hindi ko pa maintindihan ang sarili ko. Kaya gusto ko sanang humingi ng tawad sakanila kung magkakaroon naman ako ng oras—masyado na kasi akong busy sa trabaho.
Apat na taon na din ang nakalipas since nung huli ko silang nakita. Ni hindi nga ako nakapagpaalam sakanila ng maayos, e.
Bigla ko nalang naalala 'yung mga panahong nagkakilala pa lang kami ni Jungkook, we're bestfriends back then. 'Yung mga panahong magkakasama kaming lahat ng mga kaibigan ko at puro mga kasayahan lang ang mga nagaganap.
Nakakamiss 'yung mga kulitan, kakornihan at mga biruan namin. Well, that was from the past and there's no way na maibabalik pa iyon. Mananatili nalang mga alaala ang lahat ng iyon.
Napabuga nalang ako sa hangin nang maalala ko ang mga bagay na iyon. Napatingin nalang ako dito sa labas ng bintana—teka. Ngayon ko lang narealize na hindi ito ang daan papuntang kumpanya.
Agad naman akong napatingin kay Bambam na nakafocus lang sa pagmamaneho at nakatingin sa daan, "Where are we going? May lelate na tayo, Bam. I don't want to be late, you know that." sabi ko sakanya.
Napalingon naman siya saakin ng panandalian at agad namang ibinalik sa daan ang atensyon, "Dadaan lang tayo sa Aestheticus Hotel, dun kasi nakacheck-in 'yung mga investors natin," matipid naman itong ngumiti saakin at napatango nalang ako.
Anyway, Aestheticus Hotel is one of our Hotels here in the country. At tsaka, one of the famous Hotel namin iyon dito sa Thailand. May sariling hotels, restaurants, at resorts kami. At mga beauty products naman ang mga produktong ginagawa't binebenta namin. 'Yun ang mga negosyong pinapatakbo namin.
"Nakakahiya sa mga investors, late na tayo." bigla namang pagsambit ni Bambam habang nagdadrive. Hindi ko pa kilala 'yung mga investors na mga sinasabi ni Bambam, e si Bambam lang muna kasi 'yung nakipagusap sakanila dahil may appoinment ako that time.
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017