Bumaba na ako kaagad ng kotse ng makarating na kami dito sa school, nakakapagtaka lang kasi walang pasok ngayon pero ang dami daming estudyante. Ano ba talagang meron ngayon?
Nang makita nila ako ay naglinya na sila ng sobrang haba, meron dito sa kaliwa ko at meron dito sa kanan ko. Hala?
"Unnie, anong meron?" Tanong ko naman dito sa katabi kong si Jisoo unnie.
"Maglakad kana dyan sa gitna." Nakangiting sambit ni unnie at itinulak akong konti, ba't pa ba ako kailangan maglakad sa gitna? Aish, sige na nga.
Nagsimula na akong maglakad at binibigyan nila ako ng rose pagnadadaanan ko sila. Anong meron sa rose nato? Valentines na ba ngayon? Paisa isa nila akong binibigyan ng roses kaliwa't kanan, Patuloy pa din ako sa paglalakad.
Tanggap lang ako ng tanggap ng mga rosas, binibigay din naman nila sakin ito ng nakangiti, anong meron sa mga ngiti nila? Hay nako, sobra na talaga akong nagtataka dito.
Naglalakad pa din ako sa gitna ng mga taong to at nakakatanggap pa din ako ng mga rosas, ang dami ko nang hawak na rose eh, pero ang ganda sa feeling. Nang makarating na ako sa katapusan ng pila ay nahagip na ng mga mata ko si BamBam. Hinihintay niya ako sa pinakadulo.
Masaya siyang nakangiti sakin, so, siya ang may pakana nito? Nginitian ko din siya at lumapit na ako sakanya.
"I want you to be happy, Lisa." Masayang sambit niya at niyakap niya ako, hindi naman na ako makayakap ng pabalik sakanya ng dahil sa mga roses na hawak ko.
Mga ilang segundo lang ay kumalas na siya sa yakap, nakangiti pa din siya. Nako, ang gwapo ni BamBam. Bakit ba hindi ako nafafall sakanya?
Bigla nalang siyang may itinuro, tinuro niya yung lalaking nakatayo na nakatingin din sakin habang nakangiti.
Naglakad na ito ng nakapamulsa papunta dito sa pwesto namin ni BamBam, bigla namang binitawan ni BamBam ang kamay ko, nagtaka ako pero nginitian niya lang ako.
Iniwan nalang ako ni BamBam dito pero nakangiti siya. Ang weird.
Napatingin nalang ako dun sa lalaking naglalakad papunta sa pwesto ko, nasa bulsa niya ang mga kamay niya. Nginitian niya ako habang naglalakad siya. Nasa likod niya naman ang buong bangtan.
Nang makalapit na siya sakin ay tinitigan niya ako kaagad sa mata, kaya ganun din ako, tinitigan ko din ang magagandang mata ni Jungkook.
"Hi Lisa babe ko." Masayang sambit niya. Maslalo gumwapo si Jungkook ngayon. Bigla nalang may pumatak na luha mula sa mata ko, I can't explain how happy I am. Akala ko iniwan niya na talaga ako ng tuluyan.
Hindi na ako makagalaw dito sa pwesto ko, hindi din ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sakanya. Nakangiti lang siya habang nakatitig lang siya sakin. Oh damn, I really miss his smile.
Huminga ako ng malalim at tsaka nagsalita, "Nakakainis ka, akala ko talaga hindi kana babalik dito." Sambit ko at ayun, naluha na ako. Naluha na ako dahil sa saya.
BINABASA MO ANG
Bonhomous | Liskook
Fanfiction❝ everything's cliche if you're inlove ❞ [!] EDITING HR : #6 in Short Story HR : #13 in Fanfiction ; #1 in LISA ; #1 in LISKOOK © ftmaxwell 2017