88

282 3 0
                                    

88

"Hon, palit tayong kotse." Khun said ng paalis kaming bahay. Napag kasunduan din kasi naming magkanya kanya nalang na drive dahil dala namin ang kanya kanya naming kotse kagabi.

"Are you sure? Baka magasgas ko tong new car mo. Mamahalin pa naman to."

"Ok lang, basta ikaw walang gasgas ok lang." Khun

"Oh sige, here's the key." Palit naman kami ng susi. Una na akong umalis at nakasunod lang sya. Nag iba lang kaming daan dahil pauwi rin sya.

Pagdating ko ng bahay ay yung kotse ni Krystal agad ang nakita kong nakapark sa harap ng gate. Ng pumantay na ako sa kotse nya ay binuksan ko ang bintana ng sasakyan at kumatok sa bintana nya.

"Soojung! Sun Young! Jinri? Josephine?" Isa isa ko sa kanila. Ba't kumpleto ang mga to ngayon?

"Saan ka galing Song Qian?" Amber

Nabigla naman ako sa tanong at tingin nila sakin.

"S-Song Qian talaga? Di ba pwedeng Vic lang muna?"

"Pasok sa bahay!" Sabay sabay na sabi ng apat.

Pinasok ko naman ang sasakyan sa bahay at sumunod naman ang sasakyan ni Soojung. Pagpasok konsa bahay ay diretso akong kusina at uminom ng tubig habang nakasunod naman ang apat sakin.

"Sandali nga lang, what's going on here? Bakit kayo ganyan?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw Victoria Song, bakit ka ganyan?" Amber

"Saan ka galing kagabi?" Luna

"Ba't di ka nagpapaalam na may pupuntahan ka pala?" Sulli

"Sobra kaming nag- alala. Muntik na kaming magreport sa pulis dahil akala namin may kumidnap na sayo! Hindi mo lang alam ang kaba namin. Muntik na naming baliktarin ang buong Seoul makita ka lang! .............. Pero.................."
Krystal

"Pero ano?" Tanong ko naman

"Kailan ka bumili ng bagong kotse Unnie? Infairness ang ganda ah... Iba na talaga kapag Queen of China.." Krystal

"SOOJUNG! Ok na eh, andoon na tayo eh! Complete act na sana eh." Luna

Saka ako napahinga ng maluwag. Minsan talaga ang mga to sakit sa ulo pag magkakasama.

"Eh paano ba naman, ibang kotse kasi ang dala nya eh. Tsaka halatang bago at mamahalin. Sorry naman." Krystal

"Hay naku, gutom lang yan, anong gusto nyong kainin?" Pag-iiba ko ng topic.

Kanya kanya naman silang raid ng ref ko.

"Oh! Samgyupsal party everyone?" Sulli

"Beef din!" Krystal

"We bought foods too." Luna

"Who wants to pick lettuce in the garden? Sabay nyo narin yung peppers and tomatoes."

"Me and Sulli!" Krystal

"Ok, ayusin nyo ng di masira yung ibang tanim doon. Patay kayo sakin  kapag mamatay yung naiwan."

"Ne!" Sulli

We prepared lunch together. We also tried to invite RV and SNSD pero may mga commitments sila so kami kami lang muna.

After dinner ay girl scout nag apat dahil may mga dalang damit dahil plano daw pala talaga nilang mag overnight sa bahay. I also tell Khun na nasa bahay sila, we invited him but he refused. Magbonding lang daw muna kami ng mga babaeng to.

"Anong gagawin natin?"

"Alam ko na! Wait may nakita ako dito last time eh." Sabay halongkat ni Krystal sa DVD stand ko.

"Yung ano ba yun... Yung yun..." Sabay kindat naman ni Krystal kay Sulli

"Yun na yun..." Sulli

"I'll prepare some popcorns." Luna rushed to the kitchen

"Doon na tayo sa theather room sa taas. Mag-iingay lang naman kayo eh."

Then we headed up to my personal theater room. And hindi sila ang nag ingay kundi ako! Sa lahat ba naman ng pwedeng panoorin yun pa! Talagang yun pa?

Nothing Better (Khuntoria Story No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon