Chapter 3: Welcome To Dota World!

739 17 0
                                    

"Miss Beautiful?" dumilat ako sa sinabi ng lalaki.

Totoo ba 'to? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Mr. Smile tinawag akong Miss Beautiful? Waa! Habang ng hair mo teh!

"Ba-bakit?"

Nakakahiya naman. First time ko siyang kausapin tapos nauutal pa ako. Argh! Umayos ka Keanna.

"Tara sumama ka sa akin." kinindatan niya ako tapos hinawakan niya yung kamay ko sabay hinila.

"Te-teka!"

Tumigil kami. Tiningnan niya ako pero nakangiti pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit nandito siya.

"Bakit nandito ka?" hinawakan niya yung kamay ko.

"Kasi nandito ka." what? Hindi ko maintindihan? "Nandito ako kasi nandito ka."

Waa! Enebe! Kinikilig ako! Pero bakit ako sasama sa kanya kung hindi ko siya kilala?

"Ano palang pangalan mo?" nakangiti pa din siya. Pero this time may halong iba yung ngiti niya.

"Ang pangalan ko ay...." hindi na niya tinuloy yung sasabihin niya at bigla nalang siyang umalis.

"Keanna." ano daw? Pangalan niya Keanna?

"Keanna." sinabi na naman niya.

"Keanna! Gising!"

Nagising ako sa katotohanan. Damn! Panaginip lang pala ang lahat! Huhu. Bakit pa nila ako ginising! Ang ganda na ng panaginip ko eh.

"Hoy! Nandito na tayo!" ani ni Trexie habang yinuyugyog ako.

"Huh?" tinignan ko yung paligid. Nasa mall na nga kami.

"Tara na!"

"Oo na. Eto na."

Pumasok na kami sa Mall. Bumungad agad sa amin yung mga taong naka costume. Aba! May cosplay yata ngayon? Ang gaganda naman ng costume nila.

"Heaven! Ang ganda naman dito." namamangha ako dito sa mga tao dito.

"Ang porma nuh? May cosplay na magaganap ngayon. Gusto ko sanang panoorin."

"Eh bakit sinama mo pa kami?" Esh! Kahit kailangan talaga ang taray ni Joana.

"Haha! Joana. Huwag bitter much. Imposobleng makikita mo dito si Cedrick." speaking of Cedrick. Hindi ko pa pala nakikita yung pagmumukha ng gagung yun. Simula nung naging sila ni Joana sila Heaven at Trexie lang ang nakakita kay Cedrick ng personal hanggang sa mag-break silang dalawa. Kaya ganun nalang ako galit sa lalaking yun. How dare him hurt my friend. Ay OA much? Haha!

"Whatever!" dumiretso si Joana sa may bench sa gilid.

"Bakit mo pala binanggit si Cedrick? Eh alam mo na ngang cosplay lang 'to ng Dota?" anong sinabi ni Trexie? Dota? Ano yun?

"Uhmm. Ano yung Dota?" tinignan nila akong dalawa saka tumawa.

"Hays millenial ka ba Keanna? Dota hindi mo alam?" malamang wala akong interest dun. -__-

"Ano na ba kasi yun?" naiinis na ako ahh?!

"Dota, o tinatawag din na Defense Of The Ancients. Isa siyang sikat na computer game. Sa sobrang sikat ng larong ito may nagaganap na kahit anong patimpalak ng larong ito. Merong mga tournaments, cosplay and even workshops." hanudaw?? Wala man lang pumasok sa utak ko. T__T Wala naman kasi akong alam dyan sa Dota, dota na yan eh.

"Ahhh. Okay." yan lang masasagot ko.

"Haha! Alam mo Keanna halatang walang pumasok sa utak mo." hays. Buti nahalata mo Trex.

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon