Chapter 14: My Savior

299 14 3
                                    

Keanna's POV

Keanna...

Keanna... Gising na...

Keanna...

"Keanna Hey." Minulat ko ang mga mata ko at agad sumalubong sa akin sila Trexie, Heaven at Joana.

Teka?

Bakit nasa kwarto na ako at nakahiga na ako sa kama ko? Anong nangyari kagabi?

"Anong nangyari?" Sinubukan kong umupo ng diretso pero bigla akong nahilo. "A-aray!"

"Easy ka lang!" Sigaw nilang tatlo.

Napakapa ako sa mata ko. Dahil dun yung mismong masakit. At napansin kong may bandage ito. Sa may bandang kilay medyo masakit lang naman pero naiirita ako dito.

Wahh! Yung beautiful face ko!

Tumingin ako sa kanila. Hindi ko alam sasabihin ko. Ayos lang kaya ako? Argh!!

"Maganda pa ba ako?" Diretso kong tanong sa kanila. Napatingin nalang muna sila sa akin ng diretso. Nag-iisip pa ba sila??

"Hindi ka naman maganda ehh." Sabay-sabay na sabi nilang tatlo. What the Hell!? Kailan pa sila nag sync?

Napa-pout nalang ako sa inis at nagtalukbong ng kumot.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. Si Keifer...

Damn! Bakit si Keifer pa yung nagligtas sa akin?? Kahit takot ako kagabi parang mas nangingibabaw pa yung weird feeling na yun kaysa sa takot ko.

Nung hinila niya ako. Yung hinawakan niya yung kamay ko. Damn!

Napabangon nalang ako bigla. At napansin kong nandito pa pala silang tatlo. Sakto lang. Dahil may itatanong pa ako.

"Anong nangyari? Kagabi I mean." Tanong ko ng diretso sa kanila. Mukhang alam rin naman nila ang ibig kong sabihin.

"Hindi dapat kami ang sasagot sa tanong mo." Sagot ni Trex. Napa 'ano' nalang ako sa kanya. Edi sino?

"Tumayo ka na. May bisita pala tayo sa baba." Inalalayan nila akong tumayo dahil sa nahihilo pa ako. Pero sinong bisita kaya yung bisita ko?

Nakalakad naman ako ng maayos. At sinabing kaya ko na. Kahit aminadong nahihilo pa ako ay hinayaan na nila akong maglakad mag-isa.

Napahawak ulit ako sa kanang mata ko. Naalala ko tuloy yung oras na mawawalan na ako ng malay. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Nakita ko sa mata Keifer.

Bakit naman siya nag-aalala? We barely know each other! Pero nagpapasalamat ako dahil dumating siya kagabi. Kung hindi baka napano na ako.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang makarating kami sa hagdanan. Hindi nga ako sanay na ganito ehh. Parati kasi kaming maingay kapag magkakasama kami.

"Sino yung mga bisita?" Pagpuputol ko sa katahimikan naming apat.

Pero hindi man lang sila sumagot. Ano na namang problema?

"Hello? May kausap ba ako dito sa bahay kong ito!??"

"Tumahimik ka nga Keanna! Alam mo ba na pagod na pagod kami sa kakaalaga sa'yo? Wag kang magpanggap na walang nangyari ha?" Natahimik naman ako sa sinabi ni Joana. Oo nga feel ko nagpapanggap lang ako na walang nangyari at parang normal lang na araw ito para sa akin. Pero sila hindi. Hindi naman sila yung na kidnap ehh. Kung tutuusin ako dapat yung napagod. Pero inalagaan nila ako?

"Sino garud yung mga bisita?" Tanong ko ulit sa kanya. Dahilan para mapatingin siya sa akin na may halong pagka-irita.

"Bumaba ka nalang. Makikilala mo din sila."

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon