Chapter 2: Mr. Smile

879 21 0
                                    

Habang papunta ako sa bahay nila Heaven. Hindi ko mapigilang isipin yung lalaking ngumiti sa akin kanina. Ang gwapo niya, maamo yung mukha, hindi mukhang maangas tulad ng mga kasama niya. Waaa!! Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun? Hmmp!

Pagkadating ko sa Bahay nila Heaven, binigay ko sa kanila yung mga pinaprint kong invitations tapos dumiretso sa sala. Feel at home lang kami dito. Since childhood kasi kami na yung magbestfriends. Ako, si Heaven, si Joana at si Trexie. Speaking of, nasaan pala si Trexie?.

"Girls!? Nasaan si Trexie?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ewan ko. Baka tulog pa. Party Girl kasi." ani ni Heaven. "Oh ito na pala siya eh" speaking of.

"Hi Gals!" bati ni Trexie. Halatang kakagising lang niya. "Sorry ah may birthday kasi kagabi kaya nagparty na naman ako." sabay beso kala Joana at Heaven.

"Hi trex!" nginitian ko siya tapos lumapit siya sa akin para ibeso.

Kaming apat kasi yung bff na hindi magkasundo. Simula pa nung bata pa kami hindi talaga kami magkasundo.

Si Heaven Mendez. Siya yung pinaka mantanda sa amin. Yet, siya yung pinaka-isip bata. Mahinhin,maganda syempre lahat kami magaganda, at higit sa lahat conservative.


Si Joana Gomes. Siya yung pinaka seryoso sa amin. Siya rin yung pinakabata sa amin. Pinaka-unang nagkaboyfriend at pinaka-unang nasaktan. Kaya hindi nalang ako magtataka kung bitter siya. Hindi pa din naka-move on eh.

Si Trexie Uy. Siya yung pinaka masiyahin sa amin. Parating nasa party. Pinaka-matalino din sa amin. Maraming alam. Paano maraming napupuntahan eh. At higit sa lahat siya yung pinaka sensitive sa amin.

At ako?

Yah. Ako si Keanna Delos Reyes. Pinaka warfreak. Pinaka masipag mag-aral. Kaya candidate ako bilang valedictorian. Yun lang. Di naman ako special tulad nila ehh. Hihihi.

Kahit hindi kami magkasundo palagi, kami naman yung palagi masasandalan ng isa't isa.

Pagkatapos naming magprepare. Kinuha namin yung mga cards para idistribute bukas sa school. Ewan ko ba at bakit pa kailangan ng invitations eh pwede namang ichat. Esh!

"Bakit pa ba kailangan ng invitations kung pwede namang ichat?" pagrereklamo ko. Paano ba naman kasi tinatamad akong magdistribute.

"Para mas bongga no?"

"Esh! Tinatamad ako eh."

"Edi wag kang pumunta sa debut ko!" pagtataray ni Heaven. Kahit kailan talaga isip bata.

"Uy joke lang naman eh."

"Bakit ayaw mong magdistribute?" alla. Naiiyak? Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Para kasi siyang bata na hindi napagbigyan.

"Sige na nga. Para hindi ka na magtampo sa akin. Ako na magdidistribute sa lahat." Ano? Bakit kusa ko nalang na sinabi yun? Kahit kelan talaga nahi-hypnotize ako ni Heaven.

"Yay! Wala ng bawian ah? Sinabi mo yan?" haha! Para talaga siyang bata. Sabagay minsan ko lang siya pagbigyan. Birthday naman niya eh.

Bago kami umalis para pumunta sa mall. Kahit kakagaling lang namin dun. May mga lalaking dumaan sa harap ng gate nila Heaven. Sila yung mga lalaking nakita ko sa may internet shop. Nakita ko din yung lalaking bumangga sa akin pati na din yung lalaking ngumiti sa akin. Mukhang magbabarkada sila. Bago ko pa man alisin yung tingin ko sa kanila napansin kong huminto yung lalaking ngumiti sa akin kanina. Tiningnan ko siya, nakatingin din pala siya sa akin. Parang pinagmamasdan niya ako ng mabuti. Maya-maya ngumiti siya at tinawag siya ng isa niya pang kasama. Anong nangyari dun? Ang weird.

"Hoy Babae ka? Tara na!" nagising ako sa katotohanan nung nagsalita si Trexie.

"O sige."

Habang nasa byahe kami hindi ko napigilang isipin yung lalaki kanina. Ang gwapo niya talaga. Ang amo ng mukha. Tsaka bagay sa kanya yung earrings niya. Pero bakit niya kaya ako tinignan ng ganun? Iba din yung ngiti niya kanina. Esh! Naguguluhan na ako.

"Hoy! Ms. Keanna Delos Reyes!"

"Ay kalabaw!" nagising na naman ako sa katotohanan. Lumulutang na pala isip ko sa byahe.

"Kanina ka pa kinakausap ni Trex? May problema ba?" tanong sa akin ni Joana habang may halong iba ang tingin. Marunong din kasi tong magbasa ng isip eh.

"Ahh.. Wala wala" tinignan ko si Joana nakatingin pa din pala siya sa akin. Anong gagawin mo Keanna? Kailangan mong ibahin yung topic. "Malapit na ba tayo?" tinanggal ni Joana yung tingin niya sa akin. Phew! Buti nalang.

"Oo. Malapit na malapit na." sagot sa akin ni Joana.

"Malapit na malapit na sa mars yung isip mo." ani sa akin ni Trexie. "Paano ba naman kasi kanina pa kita kinakausap. Ay hindi, wala pala akong kausap. Yung hangin, yung hangin ang kausap ko." pati ba naman siya. Nagtatampo sa akin? "Sabihin mo nga!? Anong iniisip mo?" ang sama na ng tingin ni Trexie sa akin. Tumingin ako kay joana ganun din siya. Si Heaven naman nakatingin lang sa daan pero alam kong sumisilip din siya sa akin. Dapat ko bang sabihin? Wala naman sigurong masama? Hindi din naman nila kilala ehh.

"Sige sasabihin ko na." huminga ako ng malalim bago ko sinabi sa kanila yung nangyare. "Naaalala niyo pa bang dalawa yung lalaki sa mall? Yung nadatnan niyong kaaway ko?" Tumango sila Heaven at Joana. "Kasi nakita ko siya kanina sa internet shop na pinagprintan ko. Tapos binangga niya pa ako."

"Yun lang yun?"

"Teka lang. Hindi pa kasi tapos ang lola mo eh. Tapos nung paalis na ako sa shop, may mga lalaki akong nakita na papunta sa loob. Tiningnan ko yung isa dun at nakatingin din siya sa akin na nakangiti. At ang ikinagulat ko barkada niya yung lalaking kaaway ko." lahat sila natahimik. Nahirapan sigurong ipasok sa utak nila yung nangyare.

"Tapos nagkatinginan kayo kanina sa bahay nila Heaven." singit bigla ni Joana.

"Paano mo nalaman?!" hindi ako makapaniwala. Paano niya nalaman?

"Obvious ba? Kaya nahuli ka kanina na pumasok dito dahil dun. Akala mo ikaw lang nakakita?" seryoso na naman siya. Ewan ko ba kung bitter na naman siya o baka ganyan lang mood niya ngayon.

"Gwapo naman ba?" tanong ni Trexie.

"Hmmm? Oo gwapo. Maamo yung mukha, cute, maputi at higit sa lahat nakakatunaw yung ngiti niya." naghiyawan silang dalawa ni Heaven. Si Joana lang hindi. "Ba-bakit?" hindi ko din tuloy napigilang ngumiti.

"Kasi girl, sa tono palang ng boses mo parang gusto mo siya." ani ni Heaven sa akin. Hindi naman parang eh. Oo gusto ko yung lalaki na yun. Pero hanggang crush lang. Crush lang.

"Kayo naman crush lang naman eh." hindi pa din sila tumigil sa paghiyaw.

"Alam mo naman ba pangalan niya."

"Yun lang, hindi ko man lang siya nakausap. Kaya hindi ko alam." halatang nadismaya sila Trexie. "Hayaan niyo na. Baka makita ko pa siya. Sana. Sana makita ko pa si Mr. Smile."

"Ayiee!!" sabay silang dalawa. Tiningnan ko si Joana tulog na pala siya.

"Hindi pa kayo magkakilala pero may pangalan ka na sa kanya! Mr. Smile? Hahaha!" tawa na tawa si Trexie. Ano bang problema?

"Mabuti pa matulog muna kayong dalawa. Malayo pa 'to." sabi ni Heaven sa aming dalawa.

Siguro nga matulog muna ako. Baka makita ko pa siya sa panaginip ko.

Mr. Smile? Sana makilala na kita...

Itutuloy...

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon