Chapter 1: Computer Shop

1.4K 18 3
                                    

"Girl? Anong gusto mo? This one or This one?" tanong sa akin ni Heaven habang pinapa-pili ako ng dress na bibilhin.

"Yung nasa kaliwa mo." tinignan naman niya ito tapos ngumiti.

"Sige girl, magbibihis lang ako ahh?"

"Sige"

Hays. Bakit ko pa ba sila sinamahan dito. Sabagay malapit na ang birthday ni Heaven kaya kailangan kong pagbigyan. Nasan na ba kasi si Joana? Sabi niya pupunta lang siya sa Supermarket..

*ring ring*

Kinuha ko yung phone ko. Si Joana na pala yung tumatawag.

"Hoy ikaw na babae ka? Nasan ka na? Nandito kami ni Heaven sa penshoppe."

["Haha sorry girl. May nakita kasi akong bag eh. Regalo ko sana kay Heaven. Sige pupunta na ako dyan."]

*call ended*

Speaking of gift? Oo nga pala wala pa akong gift para kay Heaven. Ano kayang magandang gift? Bag din kaya? O dress? Alam ko na! May nakita akong necklace kanina sa may jewelry.

"Heaven alis muna ako. Pupunta din naman si Joana dito eh. May pupuntahan lang ako."

"Hoy bumalik ka ahh? Tutulungan mo pa ako dito."

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpunta nalang ako sa jewelry na nakita ko. Habang papunta ako dun sa jewelry, hindi ko mapigilan na mapaisip kung magugustuhan ni Heaven yung regalo ko. Alam kong hindi naman siya mahilig sa alahas kaya nanghihinayang akong bilhin yun.

Pagdating ko dun sa jewelry, binili ko ka agad yung necklace. Hindi naman masyadong mahal hindi din masyadong mura. Isang necklace na letter H yung binili ko. Siguradong magugustuhan ni Heaven to.

Lumabas ako sa jewelry at tinawagan sila Heaven.

["Girl? Nasan ka na?"]

"Pabalik na."

["Bilisan mo Girl! Nagugutom na kami ni Joana o?"] Esh! Pagkain talaga nasa isip.

"Oo na. Paki-hintay nalang ako dyan." binaba ko yung phone tapos maglalakad na sana ako papuntang penshoppe pero may bumangga sa akin.

"Aray!" tinignan ko kung sino yung nakabangga sa akin. Isang lalaki na naka cap at naka sweater. "Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?!" naiinis kong sabi sa lalaki.

"Ikaw ang tumingin sa daan! Tangina! Yung favorite sweater ko namantsahan!" naiinis din niyang sagot.

"Wow! Ako pa ang may kasalanan eh ikaw na nga lang yung nakabangga!" wala na talaga akong pake kung magsigawan kami dito.

"Anong ako!? Ikaw kaya!"

"Esh! Alam mo wala na akong time para makipag-away sayo kung sino ka mang lalaki ka. Kaya please? Stay away from me." tumalikod ako sa kanya tapos naglakad palayo.

"Tsss. Maganda ka na sana kung hindi ka lang Patapon." nakaramdam ako ng sobrang inis. Kaya binalikan ko siya.

"Anong sinabi mo!!?" sa sobrang inis ko sumigaw ako ng sobrang malakas. Pinagtitigan tuloy kami ng mga tao.

"Gusto mo ulitin ko?" nakatingin pa rin ako sa kanya. Feeling ko namumula na ako sa inis. "Maganda ka sana kung hindi ka lang patapon." nakangisi niyang sabi. Feeling ko parang sasabog na ako sa galit. Sa sobrang galit ko sinampal ko siya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang buntalin hanggang sa bawiin niya yung sinabi niya.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" galit na galit na ako.

"Eh kung ayaw ko?" blanko yung mukha niya.

"Wal---"

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon