Chapter 4: Coincidence?

627 15 0
                                    

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Siya ang pinakahuling tao na maiisip ko na makikita ko ngayon. Mga ilang segundo kong tinignan ang mukha niya. Ang blanko niyang mukha.

"Ikaw?!" pareho kaming nagtanong syempre sa akin may halong inis. Pareho din siguro kami ng iniisip.

"Anong ginagawa niya dito?" inis kong tanong kala Heaven.

Pero imbis sila yung sumagot. Yung lalaki ang sumagot.

"Hmmp! Hindi lang naman ikaw ang pwedeng pumasok dito sa restaurant na 'to nuh?" with matching titig pa at hawi ng buhok niya! Argh! Yabang!

"Esh! Pilosopo."

Mas maganda pang tumigil na ako. Ayaw kong mapalaki pa ang pag-aaway namin. Hindi ko pa nga kilala ehh. And I don't want to waste time in that man. Esh!

Hindi ko pa din inalis ang pagkatingin ko sa lalaki. At ganun din siya. Feeling ko nga may kuryente na naka-connect sa mga mata namin eh. Ang tindi ng tension! Pagka-upo ko sa upuan ko umupo na din siya. Syempre nakatingin pa din kami sa isa't isa.

"Uhmm. Kilala niyo ang isa't isa?" tanong ni Francheska upang matigil ang tension sa aming dalawa. Haha! Ang cute niya. Baby Faced masyado.

Bago pa man ako makasagot ay sinagot na ng lalaki yung tanong. "Oo." what?! No way! Hindi kami magkakilala! "Siya yung sinasabi kong malditang babae na bumangga sa akin at imbis magsorry ay nakipag-away pa sa akin." tumingin siya sa akin tapos naghawi na naman ng buhok niya. Argh!

"Maldita? Bro, iba yata yung sinabi mo ngayon sa sinabi mo sa amin?" singit ng kamukha ni Mr. Smile.

"Shut up." parang may itim na aura na pumaligid ngayon sa lalaki. Nakakatakot! Dapat ko pa bang labanan 'to? *gulp*

"Haha! I'm just kidding." feeling ko natakot din yung kamukha ni Mr. Smile. "By the way, the name is Seid. Your?" inabot niya yung kamay niya sa akin.

"Keanna." inabot ko din naman yung sa akin.

"Oh, so your Keanna. Keanna Delos Reyes if I'm not mistaken right?"

"Paano mo--?"

"Haha! Ano ka ba? Syempre kilala kita. Kaibigan ka ng mga babaeng to eh." tinuro niya sila Trexie. Kaya pala. Unfair! Tapos sila hindi ko man lang kilala! Hmmp!

"Ahh. Okay." yun nalang masasabi ko. Ayaw ko pa namang lumaki pa 'to baka sabihin nila na isip-bata ako masyado.

"Sige, out na kami. Ading Ches congrats ulit." singit nung lalaking kina-iinisan ko. Bago pa man sila umalis. Tinignan niya ako ng masama. Hindi ko alam kung ano bang problema nito sa akin. Pareho lang naman kaming nasaktan dun eh. Esh! Bahala na.

Umalis na yung tatlo hindi man lang nagpakilala si Mr. Smile. Huhuhu! Sabagay may next time pa naman eh. Tsaka kilala naman nila Heaven yung mga yun.

"Let's eat?" pag-aaya ni Trexie. Halata namang gutom na siya eh.

"Tara!" sigaw naming lahat.

-
-
-
-
-
-
-
-

Krrrrriiiiinnnngggg!!!!!

Nagulat ako dahil sa lakas ng alarm ko. At dahil monday ngayon wala akong choice kung hindi maligo. Kahit antok na antok pa ako no choice ehh. Baka mamaya kapag na-late ako, made-detention ako.

Pagkatapos kong maligo ay sakto naman ang pagbusina ng sasakyan ni Heaven. Bumaba ako at kumuha nalang ng sandwich sa lamesa. Sanay naman na akong ganito ang weekday routine ko. Ever since ng mamatay si lolo. Sila mama at papa na ang nagpatakbo ng kumpanya. Kaya madalas wala sila dito sa bahay. Si lola naman nasa states kasama si Kuya Kriss. At ang Dalawa kong pinsan na si Zin at Zan. Ako naman madalas mag-isa dito sa bahay kung hindi mag-isa ay nakikihalubilo ako sa mga kasambahay namin dito.

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon