3 days after...
"Saan niyo gustong pumunta?" Tanong sa amin ni Trex.
Tapos na ang klase at nag-aaya si Trex na bumili na ng mga regalo para kay Heaven. Di daw kasi siya nakabili kaya nagpapatulong.
Sakto namang hindi pumasok si Heaven dahil sinundo niya sila Mama niya Clark. Dadalo lahat ng members ng family niya. Kaya nagmadali siyang umalis kanina.
Wednesday na ang debut niya and almost ready na lahat including music, decorations and food. Speaking of food, hindi rin pumasok yung tatlong lalaki.
Friday na ng hapon at apat na araw na ang nakalipas nung nangyari yung kidnapping case ko. Nabalita din pala sa T.V yung nangyari kaya ng makapasok na kami sa School ay sandamakmak na tanong ang inabot ko sa mga students dito. As in, Hello? IT girl to nuh?
"Sa mall nalang. Mas kumpleto dun ehh." Sagot ni Joana. Hindi na rin lang ako umangal dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay.
We took a 30 minute drive papunta sa mall at si Trex ang nagdrive. Kung si Heaven yun mahigit isang oras pa ang aabutin. It's already 5:30 in the afternoon. And I'm starving!
"I-text niyo nalang ako. Pupunta lang ako sa grocery. Gutom na si ako ehh. Hehe." Tumango nalang yung dalawa kong kasama at nagpatuloy sa paglakad. Ako naman ay lumiko at nagpunta sa grocery.
Kumuha ako ng cart na maliit. At nagstart ng magstroll sa market.
"Let's see." Tumingin-tingin ako sa mga chips na nakadisplay. If either I will pick Lays or Cheetos. Or Mr. Chips.
I am not into junk food pero ito lang kasi ang makaka-satisfy sa hunger ko ngayon. Mamaya nalang ako kakain ng healthy food.
Pagkatapos ng ilang sandali ay napag-isipan kong kunin yung tatlo. I-share ko nalang sa kanilang dalawa yung dalawa pang natira.
"Aray!" Napadapa ako ng maramdaman kong may bumangga sa akin. Ang lakas ng impact dahil naging numb yung pwet ko! Hindi ko maramdaman! "Watch where you're going asshole!" I hissed. Nakatalikod siya at may pinupulot.
"Sorry. I wasn't paying attention." Hingi niya ng depensa pero nakatalikod pa rin siya at nagpupulot.
Magsasalita pa sana ako ng mapansin ko yung pormahan niya. He seems to be familiar. Yung hairstyle pati boses.
Tumayo na ako at aktong aalis na sana kaso huli na. Humarap na siya sa akin at tama nga hinala ko. It was Keifer.
"What the hell are doing here?!" Sigaw niya sa akin. He was a little bit shocked kapansin-pansin naman.
"Ako dapat magtanong niyan sayo! Bakit ka nandito? Bakit hindi ka pumasok?" Sunod-sunod kong tanong. Ngayon ako naman na ang mukhang na irita sa existence niya dito sa grocery.
"Tsk! Tinamad akong pumasok." Tinamad? What the hell?
"Tinamad? Paano yung trabaho niyo? Wala pa kayong reports!" Sigaw ko ulit. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala akong pake.
"Bumibili ako ng ingredients dito." Sabay hawi ng buhok niya. "Tsaka nagsorry naman na ako ahh? Bakit ang init ng dugo mo?"
"Nauna kayang uminit dugo mo!" Sigaw ko ulit.
"Easy! Ayaw ko pong makipag-away sayo. Talo ako." Sabay belat niya sa akin.
Esh!
Tumalikod nalang ako at naglakad palayo sa kanya. Kumuha nalang ako ng mogu-mogu at dumiretso sa counter. Walang masyadong tao ngayon kaya agad akong nakahanap ng libreng counter.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Dota Player
Novela JuvenilKeifer Drake Hildred Ramos transfered to Hildred University along side with Seid Santos and Joshniel Santos. They meet Keanna Delos Reyes a certified IT girl from the campus, together with her friends. What if each sides collide? Will Keifer and K...