Keanna's POV
"Alam mo, mas gusto kita sa ganyan mong mood. So innocent. Keanna, thanks for the chance. Ngayon palang gusto na kita."
Damn!
Lumabas na ako sa Resto nila Francheska. Hindi ko na kakayanin kapag nandun pa ako! Kapag nakikita ko siya!
Mas mabuti na munang lumayo. Itext ko nalang sila Trex na uuwi nalang ako, kahit hindi. Wala na rin akong gagawin dun ehh.
Ayaw ko namang makita si Keifer kasi sa sitwasyon ko at sa nararamdaman ko. Nag-Invite pa siya na ihatid na niya ako but I refused.
Damn that smile! It makes my heart beat so fast. Esh!
Pumara ako ng taxi. Wala akong pake kung saan ako mapupunta basta gusto ko lang ngayong gabi na makalimutan ko yung ngiti niya! I damned hate it!
"San po tayo maam?" Tanong sa akin ng driver ng taxing pinara ko. Nasa 50's na siguro ang edad.
"Just drive." I commanded. Siguro mag-bar nalang ako. Kahit hindi naman ako nagbabar.
Hinanap ko yung number nung taxi ngunit hindi ko mahanap. "Saan ang number ng taxi niyo kuya?" I asked him pero hindi niya ako sinagot. Baka hindi niya narinig?
"Anong number ng taxi niyo kuya?" Pero di niya pa rin ako sinagot. I've got bad feeling about this. Tatanungin ko sana ulit siya kaso napansin kong may ginalaw siya sa aircon sa sasakyan.
"Ang swerte ko talaga ngayon maam. Ang ganda niyo pa man din." Tumingin siya sa akin. Tingin na malagkit. "Matulog po muna kayo. Mag-eenjoy pa tayo buong gabi."
"Ano--" ano toh? Ang hirap huminga. "Ugh!" Hindi ako makagalaw. Anong ginawa niya?
Nahihilo ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko magalaw ang katawan ko.
Napahiga nalang ako sa upuan ng taxi. I don't know what to do. Ang hirap huminga!
Nakangiting tumingin ulit sa akin yung driver. Damn! Dapat tiniis ko nalang pala si Keifer!
"Sleep Tight."
Keifer's POV
"12:00 na ng gabi." And I still have this weird feeling.
Kasalukuyan akong naglalaro ng Dota 2, sa sarili kong PC. Natapos na din kasi kaming magkwentuhang tatlo ni Seid At Niel.
Yung dalawa? Ayun tulog na. Napagod daw. Ehh samantalang ako naman ang nagluto ng halos lahat sa menu na binigay nila Keanna. Ang hirap kayang magluto ng lengua!
Bakit ba hindi pa lumalabas yung green na bilog sa pangalan niya!? Bakit hindi pa siya online?!
"Makatulog na nga rin lang!" Parereklamo ko ng matapos ang laro ko. Syempre nanalo ako. Favorite hero ko ata ang gamit ko! Phantom Lancer ata yung gamit ko!
Kasalukuyan akong nag-eexit ng mga apps ko sa PC ng nagpakita ang pangalan ni Francheska sa chat box ko.
From: Francheska Uy
"Hey! Alam mo daw ba kung saan pumunta si Keanna kaninang umalis siya?"
Bakit naman niya ako tinatanong sa ganyang bagay?
To: Francheska Uy
"What do you mean? Sa pagkaka-alam ko eh umuwi na siya."
Sagot ko sakanya.
From: Francheska Uy
"Halla! Wala daw siya sa bahay nila! Kanina pa daw tinatawagan nila Trexie ang cellphone ni Keanna pero di daw sumasagot!"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Dota Player
Teen FictionKeifer Drake Hildred Ramos transfered to Hildred University along side with Seid Santos and Joshniel Santos. They meet Keanna Delos Reyes a certified IT girl from the campus, together with her friends. What if each sides collide? Will Keifer and K...