Chapter 12: The King

350 27 1
                                    

Dedicated po kila Lexza Sarmiento and prescian. Sa dalawang nagcomment sa previous chapter ng story.

Ang kwela lang po kasi napag-kamalan po akong babae. Lilinawin ko lang po sa mga readers, Boy po ako. And not a girl. Hahaha.

Keifer's POV

Pagkatapos na lumabas ni Keanna ay bumalik na agad ako kila Seid.

"Oh? Nasan na si Keanna?" Tanong nilang lahat.

"Umalis na. Sumama daw yung pakiramdam." Pagsisinungaling ko.

"Ow? Baka naman kasi naglagay ka ng lason sa niluto mo?" -Seid.

"Nope. Sadyang sumama lang daw pakiramdam niya."  Sa totoo lang. Gusto ko siyang offeran na ihatid ko nalang siya. Dahil baka mapaano pa siya. Gabi pa naman na. Pero sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Baka mailang lang siya. I must be crazy. Yeah, its been 3-- no, 2 days na magkakilala kami. Well, actually 3 na talaga pero hindi maganda ang unang pagkikita namin.

I was strucked when we first met.

Ever since that day...

"The hell! Late na talaga ako!" Binilisan ko ang takbo ko papunta sa parking lot. May mga nakabangga ako pero hindi ko nalang sila pinansin. Nasasagi ko lang naman sila ehh.

Napadaan ako sa penshoppe... Ilang minuto nalang mags-start na yung laban!

Sa sobrang bilis kong tumakbo hindi ko na talaga namamalayan yung mga nasa paligid ko.

*Blag!*

"Aray!" Sigaw ng babaeng nabangga ko." Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?!" Siya pa nagreklamo ahh!

"Ikaw ang tumingin sa daan! Tangina! Yung favorite sweater ko namantsahan!" Reklamo ko. Tinignan ko siya. Naiinis siya? Bakit hindi tumalab yung charms ko sa kanya? Halos lahat ng babae kapag sinisi ko sila ang magsosorry. Pero bakit siya hindi?

"Wow! Ako pa ang may kasalanan eh ikaw na nga lang yung nakabangga!" Iba tong babaeng to. Nakipag sagutan pa sa akin. Pero hindi ako nagpatinag I want her to beg for forgiveness.

"Anong ako!? Ikaw kaya!"

"Esh! Alam mo wala na akong time para makipag-away sayo kung sino ka mang lalaki ka. Kaya please? Stay away from me."

O______O

What the freaking hell!!

Wala talagang palag yung charms ko sa kanya! Kung siguro ibang babae yun natameme na! Bad trip!

"Tsss. Maganda ka na sana kung hindi ka lang Patapon." Nakakainis! Baka naman pakipot? Argh! Makaalis na nga.

Papaalis na sana ako ng....

"Anong sinabi mo!!?" Nakita kong galit siya. Triggered? Tsk!

"Gusto mo ulitin ko?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at inulit ko yung sinabi ko sa kanya.

Kitang kita ko sa mga mata niya yung inis. Damn! Ataw niyang magpatinag!

Interesting.

Sasampalin na niya sana ako pero dumating yung mga kasama niya.

That girl is interesting. Walang kwenta yung charms ko.

I wonder....

-
-
-
-
-
-

Ngayon, iba na ang nakita ko sa mga mata niya. Kaninang inilapit ko yung mukha ko sa kanya, I felt different. Hindi na rin siya naiinis sa akin. She's avoiding my gaze.

My Boyfriend Is A Dota PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon