Chapter One.
Frenceska Angelique
Dear Diary,
Today, makikipag kita ako sa pinaka gwapo kong boyfriend. Niyaya niya kasi ako bigla makipag date, hihihi. Masyado kasi siyang busy eh ewan ko lang kung anong pinagkaka abalahan niya, hindi naman niya sakin sinasabi.
Pero okay lang, mahal na mahal ko naman sya eh at alam kong mahal niya din ako kahit minsan lang niya iyon iparanas. Diary, ikaw ang saksi sa mga nangyare samin for the past few months— from kung pano ko siya unang nakilala, pano naging kami, magkaroon ng problema, kung pano ako kasaya na makasama siya at hanggang ngayong araw. Mamaya, kukwento ko sayo kung anong mangyayari sa date namin ni Third :) bye bye muna diary ko, tumatawag na kasi siya ehh hihih- Ceska
Oras na.
Yes, oras na! Kailangan ko nang pumunta sa meeting place namin ng boyfie ko. oh my god, kami na talaga. 'Di parin talaga ako makapaniwala even it's been months nung sinagot ko siya, actually hindi naman nagtagal yung panliligaw niya sakin e, tss bakit pa ba ko magpapakipot e ampogi pogi niya. So ayun, sinagot ko sya the day after niya sinabing manliligaw siya. Fresh parin yung araw na yon, nakakakilig sobra.
Nagulat ako ng biglang tumunog nanaman yung phone ko, and as expected— siya yon.
From: Third Denniel
Otw loves
Ayan na. Simpleng text nya lang with our cute endearment para na kong mahihimatay sa sobrang kilig. Bakit ka ba kasi ganyan loves? I texted him na On the way na din ako.
Before heading out from my room, I glance one more time sa mirror to check myself. Okay naman siguro tong white crop top and my blue high waist jeans na tinernohan ko ng flats na binili ko last week kasi bored ako.
Yes, when I'm bored kung ano ano lang ang nagagawa ko. Hindi ko namamalayan na nakakagastos ako ng malaki because of this damn boredom.I hail a cab at agad din akong sumakay at sinabi ang exact location ng pupuntahan ko, Sa restaurant kung saan kami unang nagdate nung naging official mag jowa na kami.
Habang naghihintay na makarating doon, I browse muna sa facebook so I could look for something interesting but one post caught my eye na nakapag iba ng mood ko. Actually, her name makes me change my mood ng sobrang bilis, inis ako sakanya.
Christelle Mara Asuncion posted a picture with Third Denniel Villarente
Oh, so nag beach nanaman pala sila.
Ansaya saya nitong babaeng to sa picture pero si Third parang hindi siya nageenjoy. Ha, nice one loves.
It must be a Villarente's out of town but laging sabit yang si Asuncion dahil nadin na business partners ang mga parents nila. Hayy I hope one of these days makasama din ako sa family outing nila and I am looking forward to that. I don't know what to feel pag pinakilala na niya ko sa parents niya, because it's been months na naging kami hindi padin niya ko napapakilala sa family niya. But that doesn't matter naman, that day will come and I am sure for that.And when that time happens, mag hahair flip ako sa harapan niyang mismong Asuncion na yan. She's my rival and I hate her so much for that, kahit wala na sila at ako na ang girlfriend hindi parin siya tumitigil sa panghaharot kay Third and I hate her bigtime.
Like hindi ba niya naiintindihan na wala na sila, na my boyfriend dumped her on their first anniversary. ugh, she deserves it anyway. Masyado siyang pasikat, to the point na ginugulo niya kaming dalawa ni Third at mas lalong nagiging sipsip sa parents nito. She's always interrupting us whenever nagdadate kami o kaya alone time namin, para siyang taong makulit na nakikisingit sa dapat na selfie lang namin ni Third.
YOU ARE READING
It was you ( On-Going )
Teen FictionSana may button tayo kung saan madali nating makalimutan ang masasakit na alaala, Pwede naman tayong mag move on para sa sarili natin Ngunit paano ka nga ba makakalimot kung nasa iisang maliit na mundo lamang kayo gumagalaw? // madjm