Chapter Eight
Frenceska
" Good to see you. "
" The problem."Bakit? Bakit andito siya?
Hindi padin ako makapaniwala na nandito siya. Bakit? Anong kailangan niya? Yung magagandang ngiti niya..
Alam kong may tinatago. Ano ang pakay niya? Bakit ba siya naririto?My thoughts were cut off because our order finally arrived. Kakakain lang namin, but the person right in front of me is so mapilit kaya wala kaming choice para kumain kasabay niya.
" Guys, I really want you to join me to eat kasi I just arrived, oh " Maarte niyang sabi. Sumulyap siya kay Third na ngayong katabi ko. Sige, Dito ka gumawa ng iksena. Wala sanang problema kaso andito mismo ang problema and I still don't know, kung bakit siya nakapasok sa campus.
Usually, uwian na pero marami paring tao dito sa cafeteria. Probably nag over time para sa practice. I can't see my friends though, they probably went home na. Tahimik naming pinanood habang kumakain ang babaeng nasa harapan ko. No one dared to talk, tiningnan ko kung 'pano siya kumain ng sobrang arte.
" Christelle.. "
Third was the first one to speak. Simple 'kong sumulyap sa katabi ko.
I really can't believe this. The person I hate the most.. She is here. The heck, 'di ko alam kung anong gusto niya!" Your text.. Is it true? " He asked. I am clueless. The three of them received a text before magpakita 'tong si Christelle saamin. The time na nagbilang na parang ewan si Mr. Sungit. And yes, Christelle Mara Asuncion is currently sitting infront of me. And that sucks.
" Oo nga, telle? Totoo ba 'yon? " Tanong ni Zeus sabay inom sa Milkshake niya. Christelle, on the other hand, didn't answer. But after minute, she placed down her spoon and fork and get a tissue. Pinunas niya 'yon sa gilid ng bibig niya ng sobrang arte. Pagkababa niya ng tissue, doon na siya nag angat ng tingin at ngumiti ng sobrang tamis.
" What do you think? " She asked. She even looked at Third and said.. " May namimiss kasi ako, eh. " she took a glimpse of me and smiled so wide. What is the meaning of that?
Do I need to feel worried?
I better not. I have Third. I shouldn't be worried. He's mine, not hers. What's mine is mine, subukan niya lang kunin ang akin at magka alaman na.
Kinuha ko ang Ice tea sa table ko at uminom. Nahohot na kasi ako eh, baka sumabog ako dito sa sobrang inis. Umiinom ako sa ice tea ko ng biglang.." Yes, it's true. Dito na ko mag aaral sa Flaire. " Pagkasabing pagkasabi ni Christelle 'non ay bigla akong nabilaukan. Nakuha ko ang antensyon nilang lahat, muntik ko nang mabuga yung iniinom ko mabuti nalang naiwasan ko pa. Medyo nabasa ang suot kong damit, kaya inabutan ako ni Third ng tissue.
" Ceska, okay ka lang? " Tanong ni Third saakin pagkaabot ng tissue at agad kong pinunasan ang gilid ng bibig ko pati nadin yung parte ng damit ko na nabasa. Tumango ako kay Third at sumulyap kay Asuncion na ngayong nakangiti nang sobrang lapad. Kitang kita ko sa mata niya ang mga balak niya. Bakit ganun? I gulped and looked away. Pero pagka iwas ko ng tingin napako ang mga mata ko kay Mr. Sungit na nakatitig saakin.
Bakit ganun ba siya tumingin?
Bakit parang may kasalanan akong ginawa kapag nagkakatitigan kami?
Bakit di nalang niya ko komprontahin para malaman ko kung ano ang problema niya saakin, ang mga mata niya parang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Parang nagbibigay mensahe pero hindi ko mabasa. Naguguluhan ako.
Ako na ang nag iwas ng tingin dahil para akong matutunaw sa mga tingin niya.
YOU ARE READING
It was you ( On-Going )
Teen FictionSana may button tayo kung saan madali nating makalimutan ang masasakit na alaala, Pwede naman tayong mag move on para sa sarili natin Ngunit paano ka nga ba makakalimot kung nasa iisang maliit na mundo lamang kayo gumagalaw? // madjm