[10] Part two

3 1 1
                                    


Chapter Ten

Franceska.

" Malandi ka. "

" Nette+Enzi= Nenzi "

Nakarecover naman na kaming lahat at umalis na sa clinic. Okay naman na si Nette, lalo na't hingal na hingal na dumating si Enzi na boyfriend niya kanina. Nag-alala daw ang koya mo. Si Enzi nga pala yung boyfriend ni Nette, stay strong ang lablayp 'non. Nagalit din si Enzi, bakit daw kasi nagpaka warfreak si Nette, e alam naman niyang madalas siyang mahilo. Nette, on the other hand, hindi naman pinansin si Enzi. Hindi ko alam pero I smell something trouble. Mag kaaway ba sila? Anyway,

Oy hindi buntis ang prend ko ah

Madalas talagang mahilo si Nette, ewan ko ba kung anong sakit ang meron siya. Everytime we asked her about it, she'll change the topic. Magaling naman sa pag iba iba ng topic si Nette because she knows our interests. 

I remember one time, I asked her about her bruises in her arms tapos iniba niya yung topic. Napunta sa usapang Third, kaya ang ending nasakay ako sa usapan na 'yon dahil inlove na in love ako sa mokong na 'yon. Speaking of Third, I haven't seen him yet and I'm praying na huwag muna siyang makita even just for today. Just... Please let me rest.

Ayoko munang magka harap kami. I don't want him to see me how I break down because of him. So thankfully, wala naman nang nang gagago saakin ngayon. I mean, mukha na 'kong tao. Kanina kasi, kung hindi zombie ako ay multo. 'Di ko talaga alam takbo ng utak ng mga tao dito sa Flaire. Kanina nga, after kaming lumabas sa clinic. Kung ano anong sermon ang natanggap ko sa mga kaibigan ko. Well, minus, Coreen. Hindi na bago saamin na tahimik siya, but si Ann, siya 'yung tumatawa saakin. Punyetang 'yon, tinawanan ako the whole time.

Nette and Trixia, both got mad. Kaya ang ending, instant make over kanina sa CR. Well, 'di naman ganun ka make over. Inayusan lang nila ako, kasi nga mukha daw talaga akong patay. So I thank them, kasi wala ng Multo dito sa Flaire. Mukha na akong tao.

" Ansakit ng anit ko! Pucha! " 'di padin tapos si Trixia na mag rant dahil sa nangyare kanina. Like seriously, dapat kasi 'di na nila pinatulan.

" 'Di ka pa tapos tej? " Tanong naman ni Ann na halatang rinding rindi na 'rin kay trixia. 'Pano ba naman, the whole time she keeps on ranting about it. Kanina 'din, pinapunta kami sa guidance office. Christelle was there and she keeps on smirking at me like a bitch. Trip talaga ako 'non, eh.

" Duh! May araw din saakin 'yon! Biruin mo, nananahimik nanay ko pinatawag tawag nila para sa walang kwentang usapan kanina sa office! "

" Manahimik ka na nga lang, kumain ka na. What's done, is done. " Irap sakanya ni Nette. Nananahimik nalang ako, ayoko nang makisali. Alam ko naman kasing may maling nagawa ang mga kaibigan ko, I don't want to tolerate their bitchy attitude. " Besides may mali 'din tayong nagawa kaya nagsimula ang gulo. "

Ayun, nadali mo. Buti nalang may kasama akong mature mag isip, kahit papano. Walang mangyayaring maganda kung pare-pareho kaming childish mag isip. Kung nasa katinuan lang ako ngayon, panigurado sasabayan ko sa pag rant si Trixia. Kaso, 'di ko kaya ngayon eh. And I know na may mali nga talagang nagawa ang mga kaibigan ko.

Kung ano ano lang ang iniisip ko habang ang mga kaibigan ko ay kumakain, wala kaming pakielam sa ibang tao. Yung iba kasi naririnig naming pinag uusapan kami, like we care diba? Bitches.

It was you ( On-Going )Where stories live. Discover now