[3] Fight for Love

17 2 2
                                    

Chapter Three

Bumalik ako sa court, andun padin yung tatlo kong kaibigan. nagulat ako may dala ng banner si Ann, san niya nakuha yon? kanina wala yun eh.

Umupo ako sa tabi ni Nette na todo cheer sa boyfriend niya, masaya ako para kay Paula Nette. kasi kahit ayaw ng pamilya niyang magka boyfriend siya, pinaglaban niya. Habang nakatingin sa kawalan, napaisip ko na sana kaya din akong paglaban ni third sa pamilya niya. But i just let out a chuckle, nag smile at may pailing iling pa. Ano ba naman kasing pag iisip to eh, ako? paglalaban ni third sa pamilya niya? E kay christelle nga di niya ko mapagtanggol eh, sa pamilya pa kaya nya.

Napansin kong nakatingin sakin si Nette na parang nag tataka.
" What's that ' aha ' na narinig ko mula sayo? " tanong niya na may pagdududa.

" ah, wala may naalala lang ako " sabi ko.

" Alin, yung mga kagaguhan ng boyfriend mo? " sabi niya " alam mo, madami pang lalakeng kaya kang ipaglaban diyan. Siyaka bata pa naman tayo noh! Kung ako sayo, lalayo na ko sa taong walang ginagawa kapag sinasabunutan na ko ng ex niya."

I frowned nung naalala ko nanaman yung pang yayare, parang wala lang sakanya, nakatingin lang siya sakin.
sakin pa nga siya nagalit eh, bakit ko daw pinatulan. Aba, ba't di ko papatulan yung haliparot na iyon, e walang ginagawang maganda kundi ang sirain ang relasyon namin.

" Psh, ponyeta " Napalakas kong sabi kaya nilingon nanaman ako ni Nette

" Haha! Ponyeta talaga! Gaga ka kasi eh, pwede namang itigil na, pinagpipilitan pa! "

" tss, wag mo na nga akong sermonan " nakanguso kong sabi, badtrip talaga.

" E sino pa ba magpapamukha sayo na dapat hiwalayan mo na yan bago pa ikaw unang hiwalayan?! "

" Ba't naman nya ko hihiwalayan?? Wala naman akong ginagawang masama, syaka good girl kaya ako! Loyal pa! " Yeeh yabang ko, nakangisi kong sabi.

" Wala ka ngang ginagawa, e siya meron! Ikaw loyal sakanya samantalang sya, loyal sa lahat! "

" Uyy hindi ah! " Inirapan ko siya. Judgemental! Psh, alam ko namang lapitin ng chixx yung boyfriend ko eh. Yun lang yon. Di naman niya ineentertain yung mga lumalapit sakanya.

Yeah, tama.

Pero..

Minsan nga naiisip ko na mahal pa ni Third si christelle eh, kasi alam naman niyang nagseselos ako wala siyang ginagawa. Nag de date kami tapos tatawag yung babaeng yon tas iiwan niya ko. Like, tamang gawain ba 'yon ng isang boyfriend?

bwiset, naiinis nanaman ako.

Naglalakad ako pauwi pero lutang parin ako. Bakit kasi ganun 'tong relasyon namin, tagu-taguan lang? Tss, nakakabastos din eh pero joke lang masaya naman ako kay Third siyaka mahal ko yon noh. I won't let him go.
My phone vibrated and pick up the call.

" hello? "

" Love, I have a good news " ano naman kaya ito " I'm sure na matutuwa ka "

" ha? ano yon? " I sound normal pero yung totoo naeexcite ako

" Diyan na ako mag aaral sa Flaire University "

" ah.. " ano daw " wAIT WHAT? " gulat na gulat pa na sagot ko, tama ba yung narinig ko? Dito na mag aaral si Third sa school ko, what the heck?!

" Yes love, aren't you happy? "

" What?! Syempre masaya ako! " totoo naman na masaya ako. nakangiti ako habang nag uusap kami sa phone, grabe naeexcite akong maging school mates kami ng boyfriend ko!

Medyo matagal tagal din ang usapan namin sa phone, pumasok na ko sa loob at ang nadatnan ko lang ay ang isa kong kuya na nagddrawing sa sketchpad niya.

" Kuya deyb, asan sila mommy? " tanong ko sa kuya ko, pero imbis na sagot, kibit balikat ang natanggap ko.
Sanay na ko diyan, tahimik kasi yang kuya kong yan compared kay kuya joel. Ngumiti nalang ako at syaka akmang aakyat na papuntang kwarto ko nang biglang nagsalita si kuya

" Balita ko mag ttransfer sila Third sa Flaire ah " San niya naman nakuha tong balitang to " Di ka ba excited? " hala ka.

" ah, uhmm " wala akong masagot, kahit kasi tahimik si kuya alam kong ayaw niya kay Third para sakin eh, eto nanaman siya nagiging sarcastic.

" Kuya, syempre excited. " hiya hiyang ngumiti nalang ako at nag peace sign pa.  Umiling nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya, napansin niyang nakatayo padin ako kaya nakita kong kumunot ang noo niya nung tiningnan ako.

" May sasabihin ka pa ba? " Parang inis na sabi niya. Ay sungit talaga neto.

" May tanong lang " Ngumiti ako para naman mabawas bawasan ang pagka init ng ulo niya, sabi niya kasi, yung ngiti ko daw ang nagpapa good mood sakanya. " Saan mo nalaman yung balita? "

" Sa t.v " poker face niyang sinagot. I just rolled my eyes sa sagot niya, aakyat na sana ako ng bigla siyang tumawa. Tumingin ako sakanya at nakita ko nanaman yung dimples niya sa may bandang cheek bone, hala ang cute.  " Malamang sa kanila, ito naman si bunso oh "

kanina pa ko naguguluhan eh, kanina sila ngayon kanila. akala ko ba si Third lang ang lilipat, so sino yung ibang yon.

" Kuya, sabi lang sakin ni Third siya yung lilipat wala naman siyang ibang nabanggit, may kasama pa ba siya? "

" Di sinabi sayo? " balik nanaman siya sa seryoso niyang mukha. Uh-oh

" naglilihim ng sikreto, check. " bigla niyang kinuha yung isa kiyang notebook at may chinekan. ano yon?!

" Kuya!! para san yon!! " Tumakbo ako sakanya at pilit na kinukuha yung notebook, kaso malakas si kuya kaya wala akong nagawa. Naupo nalang ako sa harap niya, at naghihintay na magsalita siya.

" Si Third pati mga pinsan niya lilipat sa flaire, sabi lang ni Kuya joel " sabi niya, mga pinsan? hmm.. di ko pa sila nakikita ng personal, pero sana naman mababait sila at boto samin ni Third. Mamaya, boto pala sila kay christelle, aba. bumalik na sila sa school nila dati, sakit lang sila sa ulo ko. Psh.

" Kuya, si Dad? " I suddenly asked out of the blue. Bigla ko siyang naalala. I know mommy's words hurts him, like always.

" I called him. "

" What did he says? "

" He's fine. "

" Do you think he really is? " I asked. But this time he did not answer. He just shrugged. I sighed. I want to hug dad right now.

" Kuya, do you know the reason why they both need to split up? "

" I dunno. "

" I'm still clueless, you know. "

" I know. "

" Hayy kuya, bakit ba ang boring mong kausap! " I asked because he really is. But he just shrugged and continue what's his doing.

Umakyat na ako sa kwarto ko at inisip kung anong pwedeng mangyare sa sa school kung saan makakasama ko si Third at ang mga pinsan niya.

I hope it turns out great kasi kung hindi, baka masiraan na ko ng bait. Joke, masyadong O.A

But still, I prayed.

-----------------------------------x

Hi! Hope you like it!

More updates to come, cheers!

— madjm

It was you ( On-Going )Where stories live. Discover now