[4] Alas

7 2 4
                                    

Chapter Four

Maaga akong pumasok dahil secretary ako ng campus, may practice pa kami mamaya kakailanganin na naming ayusin yung sayaw kasi malapit na yung event.

Dumiretso muna ako sa office kasi magkakaroon ng meeting about sa event, habang naglalakad kinuha ko muna yung cellphone ko. Nag good morning ako kay Third, for sure ngayon yung pasok niya.. pati ng mga pinsan niya. asan na kaya sila, di kasi nagtext si Third sakin kanina.

Nang makarating ako sa office, yung ibang officers ay nandun na. Nakatayo ako sa may gilid, hinihintay na magsimula ang meeting. Lumapit sakin si Kerry ng nakangiti, siya yung muse namin dito. Beauty and brains, naiwan lang yung attitude. maldita kasi to, ayaw magpatalo.

" Tingnan mo yung guy oh, " she pointed her finger to the guy na nakaupo kasama yung mother niya,

" ang pogi " namula mula pa si kerry nung sinabi niya iyon, natawa nalang ako.

New student siguro siya, medyo pogi nga naman. May matangos na ilong at matalas na jawline, bagay din sakanya yung pananamit niya kaso mukhang masungit, nakakunot kasi yung noo habang naglalaro sa cellphone niya. ano kayang pangalan niya, anong grade na ba niya, bat siya lumipat dito sa flaire? nawala ako sa pag iisip ng bigla siyang tumingin sakin, nagulat ako kaya bigla bigla kong kinuha yung phone ko at kunwaring may ka text.

Nakita ko siyang tumingin ng masama with matching iling iling pa at binalik ang atensyon sa cellphone niya, tss. feeling pa neto crush ko siya, I rolled my eyes at tinawagan si Third  but di niya sinasagot. Asan na ba siya?

Habang tinatry kong tawagan si Third, may lalakeng pumasok kasama ang nanay niya ata. Nagulat ako kasi umupo siya sa tabi ni mr. sungit at nag batian pa, magkakilala siguro sila. Nang napatingin sa dereksyon ng mga babaeng officers yung lalakeng bagong dating, biglaan silang tumili. nakakaurat, bakit ba sila ganito. Ang iingay. Patuloy ko pading kinocontact si Third, baka naman kasi tulog pa kaya hindi sinasagot ang tawag ko.

Dumating na din yung president namin, Wow ah. Ang aga, kaya galit na galit sakanya yung ibang officers kasi lagi siyang late eh.

" Good morning officers, kanina pa kayo? " bati samin ni shelley, pero imbis na sagot, irap yung natanggap niya mula sa mga officers. Sino ba namang hindi maiinis, yung president namin late. Lumapit sakin si shelley, mabait naman siya siyaka nakaka usap ko din to ng matino. " Dumadami populasyon ng mga papi dito ah " sabi niya sakin.

" papi? " pero may mga times na di ko maintindihan yung pinagsasasabi ni shelley sakin, " ano yun? " like this.

" papi, pogi " sabay tingin dun sa dalawang nag eenroll, nakita kong nagkagat labi pa siya " Akin yung naka white ah " sabi niya sabay umalis, si mr. sungit type niya? yikes

Natapos yung meeting namin at bumalik na kami sa kanya kanyang room, naabutan kong nakalupasay sa sahig sila Trixia at Coreen. Tingnan mo tong mga to, papasok lang sa school para matulog. Umupo ako sa tabi ni nette na gumagawa ng props para sa sayaw namin.

" Asan boyfriend mo? akala ko ba dito na yun mag aaral? " pasungit na sabi sakin ni nette, nagpout lang ako sakanya.

" hindi ko alam eh, hindi sinasagot mga tawag ko "

" kabahan ka na ces, nako "

Asan kaya yun, pumasok ba siya? O baka niloloko niya lang ako na dito siya magaaral? hmm

Mababaliw na ko kakaisip, bakit kasi di manlang sagutin mga tawag ko eh. mahirap bang gawin yon, isi-swipe mo lang naman para masagot yung tawag pero parang di niya alam kung pano dahil di niya sinasagot mga tawag ko. Mababaliw na talaga ako dito eh.

It was you ( On-Going )Where stories live. Discover now