Chloe POV
Kanina pa ako naghihintay dito sa gate kay friend pero mukhang wala atang balak yon pumasok. O sadyang late na naman yon. Hay! Ang kupad talaga nong babae na yon gumalaw o di kaya napasarap na naman ang tulog non kasi napanaginipan na naman nya yong mga idol nya. Pustahan tayo hindi magtatagal mababaliw talaga si friend paano panay ng stalk sa mga idol nya. Sayang naman beauty nya kong sa mental hospital lang yong bagsak nya. Aish.
Hindi parin ako umalis. Ba't ba kasi natagalan yon? Ngayon lang ata sya natagalan ng ganito kalala. Ano na kayang nangyari don? Baka nagtanan na sila ni Kiel? O di kaya OMG!. Pero teka lang kotse yon ni Kiel ah. So ibig sabihin mali yong hinala ko? Nakita kong naglakad sa direksyon ko si Kiel.
"Wag mo nang hintayin ang pagong na nagjo- jogging" sinabi nya yon pero di sya tumingin sa akin at di rin huminto sa paglalakad.
Ano bang ibig nyang sabihin? Pagong? Nag jogging? Ang saklap non ha! Tsk. Ganito na ba talaga ka idiomatic yong mga tao dito at halos puro riddle yong sinasabi hirap intindihin. I admit slow ako pero hirap kasing intindihin ng mga tao ngayon sa mundo. Saan ka ba nakakakita ng pagong na nagjo- jogging? Wag ko na raw hintayin e hindi naman pagong yong hinihintay ko kundi si Khean- Tama I got yah! Alam ko na ibig nyang sabihin. Yong pagong na sinasabi nya he's referring to Kheannie. Tapos yong nagjo- jogging? Oh no! Kawawa naman si friend? Paano na yon e di kalansay na yon pagdating dito. Friend was totally abuse by this era. Nong isang araw tinungo nya ang 5th floor within 30 minutes and without using the elevator tapos ngayon nagjo- jogging pa sya. Ba't di sya pinasabay ni Kiel? Ay oo nga, magka- away pala sila! Hays. Mabuti nga hindi ako maagang pinag- asawa nila mom and dad siguro pag nagkataon na mangyayari yon sa akin. Naku! Di ko carry besh!
"Hoy anon-
"Ay pagong ka!" gulat na gulat kong sigaw. Bwes*t namang Anthony to ang hilig sumulpot sulpot kahit saan. Siguro dwarf to lakas maka- teleport.
"Alam mo mukha kang ewan dyan. Nagtatalon sa tuwa na parang nanalo ng isang million"
"Ano bang pakialam mo ha? Ikaw ba yong nilulundagan ko?" taas kilay kong sabi. Maka reklamo wagas.
"Hindi"
"Hindi naman pala! E ano bang problema mo kanina at kong maka- reklamo ka?" nakataas kilay ko paring tanong.
"Ayoko lang na sabihin ng ibang tao na baliw yong isa kong kaibigan". sabay ikot ikot ng kamay nya sa ulo nya.
"And who told you na kaibigan kita?" pagtataray kong sabi. FC kasi ang peg ng lalaking to.
BINABASA MO ANG
The Day Before The Annulment With The Bad Boy (On Going)
JugendliteraturWHICH ONE IS TRUE FOR YOU? Is it that the more you hate is the more you love? Or is it that the more you hate is the most you hate? . . . . . . . . This story consist all of that belief but end up to an annulment. LOVE OR HATE? Kheanna Andrei Laurel...