Day 13: His weird

14 2 0
                                    

Kheanna POV

Hinatid ako nila Chloe at Thony sa bahay. Gusto pa nga sanang pumasok ni Thony mabuti nga hinila na sya si Chloe pabalik ng sasakyan. No. Hindi pwede kasing malaman ni Thony na I got married to a Jackson's cupid. I'm not ready pero I've plan to tell it to him but in a right time and in a right moment. At tska ayoko ring suwayin yong gusto ni Kiel na dapat walang makaalam sa sikreto between us.

Pumasok na ako sa bahay at ang tahimik naman mukhang nasa kusina ata si Manang. Umakyat na ako sa taas ng madaanan ko yong room ni Kiel at sakto namang lumabas sya. Naka sleeveless white at maong short yong suot nya wala atang balak umalis ng bahay. Tumingin sya sa akin pero tumalikod naman ako kaagad kasi wala akong balak makipag- bwesitan sa kanya ngayon. Pumasok na ako sa kwarto at patumbang humiga sa kama. Kapagod talaga ang araw na to. Makaidlip nga sandali.





Krooooooooooo! Krrrrrrroooooo

Nagising ako ng maramdamang tela ba humahapdi na yong sikmura ko. Tiningnan ko yong time and its already 10pm. Mukhang napasarap yong tulog ko. Hays. Bumaba na ako sa dining upang kumain mabuti nga at tinirhan pa ako nila. Pagkatapos kong kumain umakyat na ulit ako ng makasalubong ko si Kiel. Tiningnan ko lang sya at dumiretso na ng lakad ng bigla syang magsalita.




"Ba't di ka pumasok kanina?" mahina nyang sabi.

Di ko sya sinagot kasi galit ako sa kanya. Talagang tinatanong pa nya kong bakit di ako pumasok. Diba sya nga yong dahilan.

"Bakit nga?" tanong nya ulit pero mahina.

Ano bang klaseng lalaki to? Pag gabi ang hina nya magsalita at ang amo ng mukha pero pag araw kasing sama ng lahat ng masama. Psh.

"May bastos kasi na binutasan lahat ng gulong ng sasakyan kaya ayon naglakad ako papuntang school but sadly hindi ako naka- abot kasi it's already time" may halong galit sa boses ko habang sinasabi ko yan.

"Alam mo bang hinintay kita don?" sa pagkakataong ito humarap na sya sa akin.
Ano daw? Ako hinintay nya? Sya naghintay sa akin? Kalokohan.

"Bakit? Dahil ba gusto mo'ko ulit pagtripan? O di kaya asarin kasi isang milya yong nilakad ko?"

"Dahil nag- alala ako" mahina nyang pagkasabi pero ang lakas ng dating.

"Tsk. Nag- alala ka dahil hindi mo'ko napahirapan ng husto?" diin kong sabi.

"Hindi yon ganon"

"Pero ganon yon" at tumalikod na sa kanya.


"Minsan ba naitanong mo sa sarili mo kong bakit ko to ginawa sayo? Try to open and widen your insight. Baka pag nalaman mo pasasalamatan mo'ko. Ikakasaya mo pa nga siguro e" at agad nya akong nilampasan.

The Day Before The Annulment With The Bad Boy (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon