v

659 8 1
                                    

Syempre hindi

Kamusta ka na?
Natatawa ako teka nga.
Totoo ba 'to na tinatanong kita?
Totoo ba 'to na tatanungin kita kung kamusta ka?
Kung sakali man na kaharap kita, panigurado nakakailang.
Nakakailang "Kamusta ka na" ang itatanong ko
Kasi alam ko ang sagot panigurado.
"Okay lang" 


Okay lang ba na ipaliwanang mo mula bilang isa hanggang sampu
Gaano ka-Okay ang "Okay lang" mo
Kasi itong tanong ko ay hinugutan ko pa ng lakas ng loob
Na kahit simple ay, utang na loob, ilang linggo kong pinag-isipan
Kung itatanong ko ba o papabayaan
Na wag nang maalaman ang kahit na ano sayo
Kaya kung okay lang, ayusin mo sagot mo?


Okay ka lang ba?
Oh ayan, binago ko na.
Sana naman malaman ko na kung anong nararamdaman mo
Kung masaya ka ba o malungkot
Kung kampante ka ba o nabubugnot
Na kahit wala ako, na kahit wala na ako ay maayos ka


Kamusta ka na?
Kung maikli man ang sagot mo ay papahabain ko pa ang tanong
Tanong lang ako ng tanong hanggang sa ika'y magkwento
Hanggang sa makapag-usap tayo ng matino
Hanggang sa masabi mong siya na at hindi ako
Na kahit masakit pakinggan ay okay lang ako
Para tumigil na 'tong nararamdaman ko
Para tumigil na ako ng tuluyan
Para tulyan na akong matauhan

Para hindi na ako mapaisip pa
Dahil sa bibig mo na mismo nanggaling at hindi sa iba


Kamusta ka na?
Natatakot ako teka nga.
Totoo ba 'to na tinatanong kita?
Totoo ba 'to na tatanungin kita kung kamusta ka?
Ang lakas ng loob ko panigurado
Ang lakas ng loob kong makinig sayo
Kung tatanungin kita ay parang 
Hinihingi kong magpasampal


Kaya kung kakausapin kitang muli
Kaya kung makikitang kitang muli
Ikaw nalang sana ang magtatanong
Ako nalang sana ang sasagot ng
"Kamusta ka na? Okay ka lang ba?"
Syempre hindi.

Pinili Kong Wag Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon