x

223 5 0
                                    

Himlay

sa bawat pagmulat ng mata
tanong ay lagi, "nasaan ka?"
sarado na ang bintana,
malinis na ang kusina.
lumisan ka na nga pala,
aking napiling binata.

matutulog na lang muli sa aking kama
upang ikaw ay muli kong makita
paulit ulit
mananatiling nakapikit.

dito'y wala na ang sakit.
dito'y wala na ang pait.
dito'y maginhawa sa iyong pagsambit,
"dito lang ako, walang hangganan.
burahin ang bawat pag aalinlangan.
ikaw ang nais kong maging tahanan."

wag mo kong bibitawan
dito sa aking himlayan
dito tayo'y magpakaylanman.

Pinili Kong Wag Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon