vi

476 7 0
                                    


Gabi-gabi'y humihinto sa pagtulog

Sa panaginip ikaw ay nahuhulog

parin sa akin; Ngunit tila wala sa hulog

Bakit ba di pa mauntog?

At tuluyang magising sa katotohanan

na iba ang pinili mong kandungan

Bakit patuloy na aasahan

Kung wala rin namang kahahatungan

Ngunit minsa'y nagbabakasakali; umaasa na

Bago pa tuluyang mamulat ang mga mata

Dumito ka at marining kong sabihin mo na

"Baka naman pwede pa."

Pinili Kong Wag Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon