i

2K 35 10
                                    

Pinili Kong Wag Nalang

Hindi pa nagsisimula
Hindi ko pa sinisimulan
Wala pang sinisimulan pero pinili kong wag nalang.

Pinili kong wag nalang dahil pinili ko ang takot na baka masaktan kita.
Pinili kong wag nalang dahil sa dulo ako din ay susuko.
Pinili kong manahimik nalang at huwag guluhin ang kalmado mo istado.
Kahit ako nalang ang maguluhan sa pag-iisip kung itutuloy ko pa ba o ako na’y susuko.

Pinili kita at hinihintay kitang piliin mo ko.
Pero sa nangyayari ngayon ay parang ayoko ng maghintay
Dahil sa paghihintay kung anu-anong pumapasok sa isip ko
Na baka hindi nga talaga ang tamang tayo.
Hindi ikaw ang tamang sakin dahil hindi ako ang tamang sayo.

Pinili kong tignan ka nalang sa malayo na masaya
Kaysa sa malapit pero nahihirapan ka
Ayokong pahirapan ka sa magulo kong isip na kung tayo man ay isusuko din kita
Isusuko na ng aba kita?

Ano ba kasing pipiliin ko dahil ang sabi nila ay hindi tayo
Bagay. Sa kanila ikaw ay hindi pero sa puso ko ikaw ay oo.
Hindi o oo?
Pero parang pinipili ko na ang hindi
dahil baka ako lang ay bulag at hindi
Ko nakikita na ako ay hindi mo pinipili.

Pinili kong wag nalang dahil pinili ko ang takot na ba masaktan mo ko
Pinili kong wag nalang dahil baka sa dulo ikaw din ay susuko.
Sige. Pipiliin kong wag nalang kahit may pagkakataon pa.
Wag nalang. Sigurado na ba ‘ko kasi pwede pa.
Malaya ka pa. Malaya pa ko pero wag nalang
Ako lang naman ang nagsimula nito at hinihintay kitang samahan akong simulan natin ‘to.

Kung sa umpisa palang ay magulo na.
Pinili kong wag nalang.

Pinili Kong Wag Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon