xi

36 2 0
                                    

PANANDALIANG PANGMATAGALAN

Pagmulat ng aking mga mata
Ikaw agad ang nakita
Unti-unting kumislap
ang yong mga mata
Gumuguhit ang magandang ngiti
sa iyong mga labi
Ngunit hindi ako ang
dahilan nito sinta
Iba't ibang emosyon
Ang lumukob saking
damdamin
Tila isang ilusyon
Isang imahinasyon
Na ayaw aminin
Ayaw alamin
Ayaw palalimin.
Iipunin
Pararamihin
Pakaiingatan
Nangagamba na
Pagkatapos nito'y
Babalewalain,
pakakawalan
Pagtatabuyan
Lilisanin.

Hayaan mo akong damhin
Ang mga simpleng bagay na dulot mo sa akin
Alam kong hindi kita maaangkin
Pero hayaan mo ako,
hayaan mo akong mahibang, 
Malibang, magabang, manimbang
Kung talaga bang hindi ka mapapasakin
Heto at ginusto kong lumigaya
Binigyan mo ng panandaliang saya
Kapalit ng pangmatagalang sakit
Mapapaisip, mapapatanong, paano at bakit?

Sasambitin, sasabihing magpakailanman
Aalis, lilihis para mangiwan
Pipilitin, pipiliing kalimutan
Palilipasin, titiising nasaktan
Nangyari ang ikinakatakot
Dapat ay napaghandaan
ang dulot nitong lungkot
Ang sarili'y hindi na dapat isinangkot
Ngayo'y paano natin bubuuin, iipunin ang sariling nagkawatak-watak?
Paano pahuhupain ang mga luhang patuloy na pumapatak?
Na nagpapalabo sa daang tinatahak
Huwag kang magalala hindi mo
naman ako niloko
Alam ko, alam ko namang
ginusto ko to, pinangarap, hinangad,
pinagdasal at ngayo'y sumusuko.

Pinili Kong Wag Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon