Maid In Disguise - Chapter One

25.1K 265 14
                                    

          Kasalukuyang ngumunguya ng kanyang pagkain si Snow nang dumalo sa hapag-kainan ng sabay ang mga magulang niya. It was very unusual. At alam niya na may pakay ang mga magulang niya sa kanya.

         “Magandang umaga, my lovable parents!” sabi niya sa mga ito nang maupo ang mga ito. Ngumisi ang tatay niya. Sumimangot naman ang mama niya..

         “Ano bang klaseng pagbati 'yan?” sabi ng nanay niya.

         Ngumisi uli ang tatay niya. “Ayos naman 'yon, eh. 'Di ba Snow?”

        “Yes!” sabi niya, sabay ngisi nang sumimangot ang nanay niya. “Teka, ano’ng kailangan n’yo? Parang nakakatakot na bigla nalang kayong sasabay na kumain sa akin.” Kumagat siya ng egg sandwich niya.

        “Alam mo naman na beinte-siyete ka na,'di ba? Siguro naaalala mo na kailangan mo nang harapin ang iyong tadhana,” panimula ng nanay niya.

        “Teka, parang kinikilabutan ako sa tadhana-tadhana na 'yan. Ano ba 'yon,'Ma?'Pa?”

        “Twenty-nine years old na si August. Pareho nang legal ang mga edad ninyo para magpakasal.”

         “Me? magpapakasal?” tumawa siya ng malakas. “Oh. My. God.”

        “Seryusohin mo nga ang sinasabi ng nanay mo, Snow?”  pakiusap ng tatay niya. Napakagat-labi nalang siya. Alam niya na kapag ganoon na ang tono ng boses nito ay seryoso na ito.

            “Sino ba kasi si August? Tsaka bakit ako pa ang ipapakasal n’yo? Pwede namang si Ate Rainne nalang, ah.”

            “Family-friend natin ang pamilya ni August. Tsaka hindi pwede si Rainne dahil busy 'yon sa negosyo niya sa Italy. Tsaka balita ko ay masaya na 'yon sa fiancé no’n na si Gerry.”

            “Tsaka 'wag kang mag-alala, Snow. Mabait si August. Balita ko nga ay walang nobya ang batang iyon. Siguro ay hinihintay na rin niya ang kapalaran niya.”

            Napabuntong-hininga nalang siya.

“SO, ano’ng balak mo?”

            Sumimsim muna ng strawberry shake si Snow bago magsalita. “Sabi ni mama, hindi pa raw ako kilala ng August na 'yon. Ewan ko ba naman! Of all people, ako pa ang naisipang ipakasal sa kung sino mang lalaki 'yon. Haay!” pumalatak pa siya.

            Nagsalita si Maan. “Bakit hindi mo hanapin sa Friendster? O kaya sa Facebook? Malay mo may account 'yon doon?”

“Ano bang fullname no’n?” tanong ni Aniza.

            “Asa naman kayo na may Friendster account 'yon, eh businessman nga raw 'yon.”

            “Ano bang business no’n?”

            “August International Banking Corporation. Vice-president raw siya no’n at sa kanya raw ito-turn over 'yon kapag nag-retire na ang tatay niya.”

            “Sila ang may ari ng AIBC? Juskoh, kung ako lang, papayag akong magpakasal kung ganoong ka-rich ang mapapangasawa ko!” bulalas ni Maan.

            “Sira-ulo,” umismid siya.

            “Wait guys,” sabi ni Aniza na todo focus sa laptop nito na may internet connection. “Ano kaya kung i-hack ko ang website nila? Siguradong may makukuha akong personal information tungkol sa sinasabi mong si August.”

Maid In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon