“ Para sa akin 'to?”
“Oo. Wala kasing extra room dito kaya kaysa naman na matulog ka sa lapag, diyan ka nalang matulog,” sabi ni August habang inaayos niya ang binili niyang sofa bed at dalawang unan para kay Snow.
Maaga siyang umalis sa opisina niya para bumili ng mga gamit na kakailanganin nito. Inilagay niya ito isang kanto ng bahay niya na malapit sa kwarto niya at sa dining area.
“Salamat, August,” she said, smiling and… blushing? Tama nga ba? Namumula nga ba ang magkabilang pisngi nito? Ni hindi nga ito makatingin ng deretso sa kanya dahil bahagyang nakayuko ito.
He smiled with amusement. “Wala 'yon. Alam ko naman na kailangan mo 'to. At least, parang iyan na rin ang premyo mo para sa pagdating mo kahapon at pinagluto mo ako ng masarap na adobo.”
Ngumiti ito ng matamis. Even her beautiful brown eyes were smiling. Sinalubong niya ang tingin nito. Bigla siyang natigilan. May kakaibang bagay siyang nababasa sa mga mata nito. Marahil ganoon din ito sa kanya kaya agad itong nagbawi ng tingin.
“M-magluluto lang ako ng hapunan natin.”
TINAPIK-TAPIK ni Snow ang magkabilang pisngi niya. Gising, Snow. Gising!
Hindi niya maipaliwanag ang mga nangyari sa kanya ilang minuto lang ang nakakaraan. Nababaitan na nga ba siya kay August? At ano ang ibig sabihin ng mga nakita niya sa mga mata nito? Napabuntong-hininga nalang siya. Pero hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng puso niya.
Kumilos siya ng may pagmamadali. Naglabas siya ng kalabasa, talong, sitaw, okra at karne sa ref. Balak niyang mag-pinakbet. Matapos niyang hugasan ang mga karne ay isinalang na niya ang hugas ng bigas sa rice cooker. Nag-umpisa na siyang maghiwa ng mga gulay.
“Snow?”
Nagulat siya ng tawagin siya ni August. Aksidenteng nahiwa niya ang daliri niya. “Aaww…” mahinang daing niya. Agad na pumunta siya sa lababo at hinugasan ang nagdurugong sugat niya. “Ang… sakit.”
“Okay ka lang?” lumapit io sa kanya. “Napa’no 'yan?” nag-aalalang tanong niya.
Nagrigodon na naman ang puso niya. “A-ahm… nagulat kasi ako nang tawagin mo 'ko kaya…”
Hinawakan siya nito sa braso at iginiya siya sa sofa. Pinaupo siya nito. “Stay here. May kukunin lang ako,” pumasok ito sa banyo. Pagbalik nito ay may dala na itong bulak at ointment. Umupo ito sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. Pinahiran nito ng ointment ang sugat ng daliri nito.
“Sorry kung nagulat ka, ha. Hindi ko naman iyon sinasadya.”
“A-ako nga ang dapat na humingi ng sorry, eh. W-wala ka namang kasalanan.”
“Natataranta ka yata,” sabi nito habang nakatingin sa sugat niyang ginagamot nito. “Linawin na natin ang iba pang bagay sa pagitan nating dalawa. Huwag kang magagalit sa kung ano mang sasabihin ko.
“Una, katulong lang ang turing ko sa'yo. Nag-apply ka sa ganoong posisyon kaya dapat dumistansya tayo sa isa’t isa. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin kaya ko 'to sinasabi sa 'yo. Pero kahit na katulong ka lang ay babae ka pa rin na dapat kong respetuhin.”

BINABASA MO ANG
Maid In Disguise
Roman d'amourA Fictional story which revolves to a story of a rich girl who is too curious about his future fiance.