“ Uhm…”
Pupungas-pungas na umupo si Snow mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi pa totally mulat ang mga mata niya dahil nasisilaw siya sa liwanag na galing sa bintana.
Pero bumalik siya sa dating katinuan ng malaan niya na masyadong malambot ang kamang hinihigan niya. Amoy aftershave cologne pa at panlalaking perfume ang buong kwarto. Kwarto?! Biglang nanlaki ang mga mata niya nang malaman niyang… nasa kwarto pala siya ni August! Oh, my God!
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si August na naka-pajama at naka-sando na white. May dala itong isang tray na may dalawang basong gatas at dalawang platong cornsilog.
“Good morning. Gising ka na pala. Breakfast muna tayo,” nakangiting sabi nito.
“Bakit ako nandito?” nagtatakang tanong niya.
“May ginawa tayo kagabi kaya napagod ka ng husto.”
“A-ano?!” nanlaking bigla ang mga mata niya.
Tatawa-tawang inilapag nito ang tray na sa higaan. Nakapagitna sila sa tray at nakaupo ito sa harap niya. “Naghampasan po tayo ng unan kagabi. Dahil napikon ako ng hinampas mo ako ng malakas, kiniliti kita hanggang sa ginupo ka ng pagod. Ikaw kasi, kung anu-ano pa ang iniisip mo.”
Biglang nag-init ang mukha niya. “K-kumain nalang tayo.”
Maganang kumain silang dalawa. Maya-maya’y nagsalita uli ito. “Mamasyal tayo mamaya.”
“Mamamasyal tayo? May trabaho ka pa.”
“Eh ano? Okay lang naman na kahit minsan ay hindi ako pumasok. Walang masama roon.”
“Saan tayo pupunta?”
“Sa mall. Mag-shopping ka ng mga damit mo, damit ko, mag-grocery uli tayo, kumain sa labas, manood ng sine. Et cetera.”
“Ano 'yon? Parang date?”
“Oo. Date.”
Biglang parang sinaksakan siya ng Adrenaline. Nakaramdam siya ng excitement at parang kulang nalang ay sumayaw siya sa kama sa tuwa. Mag-harlem o sumayaw ng tango sa gitna ng kama.
“Gusto kong magsuot ka ng magandang damit. Siyempre, kailangan gwapo ako. Pero hindi ko na siguro kailangang pagtuunan ng mahabang oras 'yon dahil matagal na akong pogi.”
“'Di ka rin mayabang, 'no?”
“Hindi.”
Natawa siya. “Hay naku.”
Nang matapos na silang kumain ay iniligpit na nila ang pinagkainan nila. Akmang lalabas na siya nang magsalita si August.
“Maliligo ka na ba pagkatapos mong ilagay sa lababo 'yan?”
“Oo. Bakit?”
“Hihintayin na kita.”
“Bakit pa?”
“Sabay na tayong maligo dito sa banyo ng kwarto ko,” he grinned.
“Heh!” naiilang na lumabas siya ng kwarto ni August.
BINABASA MO ANG
Maid In Disguise
Storie d'amoreA Fictional story which revolves to a story of a rich girl who is too curious about his future fiance.