Abala si August habang pinipirmahan ang mga dokumento na kailangan niyang pirmahan nang pumasok sa opisina niya ang sekretarya niya.
“Sir, may tawag ho kayo galing kay Mrs. Sally Roque raw ho. Ilipat ko ho ba ang tawag sa inyo?”
“Oo, please. Thank you.”
Maya-maya ay sinagot na niya ang tawag. “Good morning po, Tita.”
“Afternoon na, hijo. Hindi ka pa ba kumakain? Ala-una na, ha.”
“Ahm… mamaya pa ho ako kakain. Anyway, napatawag ho kayo?”
“Nakausap ko kasi ang isang friend ni Snow na si Aniza. May nalaman lang akong importanteng bagay. Pero kung busy ka naman, pwede naman na 'pag free ka nalang. I want to talk to you personally.”
“Sure po. Okay lang po sa akin na mag-usap po tayo ngayon. Hindi naman ho ako masyadong busy.”
Sinabi sa kanya nito ang pangalan ng restaurant kung saan sila magkikita.
“Sige po. Darating po ako ro’n for twenty minutes.”
UNANG nakarating sa T.G.I Fridays Greenbelt si August. Makalipas lang ng ilang minuto ay dumating na rin si Sally. Um-order sila ng pizza at softdrinks. Pagkatapos ay ito na ang nagbukas ng topic habang hinihintay ang kanilang order.
“Nakausap ko si Aniza. Ang sabi niya sa akin, sa iisang condominium lang kayo nakatira. Doon daw sa unit niya pumupunta si Snow pagkatapos ng gawaing-bahay na ginagawa niya sa unit mo. Siya mismo ang nag-confirm na si Snow nga ang kasambahay mo.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang sabi niya sa akin ay idea raw nila ng isa pa nilang kaibigan na si Maan ang mamasukan na katulong si Snow para makilala ka. Ang gusto lang daw ni Snow ay ang makilatis ang magiging fiancé niya. Sa palagay mo ba ay tama ang ginawa ng anak ko? Pakiramdam ko kasi ay parang nanghihimasok siya sa buhay mo.”
“Hindi naman po,” sabi niya. “Siguro ay gusto lang naman ni Snow ay ang makilala ako. At mukha naman hong wala naman siyang balak na masama,” napangiti siya.
“Pero sasabihin mo ba ito sa kanya?”
“Hindi po muna siguro. Sa tamang pagkakataon nalang ho siguro. Pero ho sa palagay ko… magiging magkaibigan din kami,” napangiti uli siya nang maalala niya ang ginawa nito sa kanya kagabi. “Mabait naman po kasi siya. Tsaka masarap magluto.”
“'Yon nga lang ang talento ng batang iyon. Masarap magluto at magaling mag-design ng damit kahit hindi naman siya fashion designer. Sana nga ay maging magkaibigan kayo. Teka nga pala, hijo. May nobya ka na ba?”
Natahimik siya. “Ano ho kasi…”
“Naiintindihan ko naman kung ayaw mong sabihin. Basta kung ano man ang mangyari, tawagan mo lang ako. Lagi mo sana kaming i-inform sa mga nagyayari sa anak ko.”
“Sure po, Tita.”
“BAKIT ang tahimik mo?”
Nagtataka si Snow dahil tahimik lang si Aniza habang nagko-computer ito sa tabi niya. Nandoon uli siya sa unit nito. Ito kasi ang nakaugalian niyang gawin kapag tapos na siya sa gawaing-bahay at wala pa si August.

BINABASA MO ANG
Maid In Disguise
RomanceA Fictional story which revolves to a story of a rich girl who is too curious about his future fiance.